^

True Confessions

Sa Piling ng Kalapati (84)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISANG araw, nainip sa condo si Mommy Donna. Tama si Ruth, may pagkakataon na dadalawin siya nang pagkainip at magsasawa sa FB o sa games. Nagsawa rin siya sa panonoood ng TV at sa pagtulog.

Hanggang isang hapon, ipinasya niyang lumabas ng condo. Iyon ang unang pagkakataon mula nang tumira sila ni Ruth sa condo na lumabas siyang mag-isa.

Ang kanyang plano: Pupunta siya sa lugar na dati nilang tinitirahan ni Ruth. Gusto niyang makausap ang lalaking tambay na nagbalita na may naghahanap daw sa kanyang Japanese. Inalala niya ang pangalan ng lala­king tambay – si Danilo! Baka mayroong update si Danilo tungkol sa sinasabi nitong Japanese na naghahanap sa kanya. Nakasakay daw sa kotse ang Japanese. Sabi niya kay Danilo, kung sakali at may maghanap uli sa kanya, kunin ang pangalan ng Japanese. Binigyan niya ng pera si Danilo para gawin ang sinabi niya. Mukha namang pagkakatiwalaan si Danilo dahil ito pa nga ang nag-abala na hanapin siya para lamang maipaalam na may naghahanap sa kanya. Muntik pa nga niyang masaksak si Danilo dahil pasukot-sukot ito nang sundan siya. Akala niya, holdaper si Danilo.

Ang pagkakamali lamang niya, hindi niya nasabi kay Danilo na lilipat ng tirahan. Sa isip niya, baka hinahanap siya ni Danilo at mayroong ibabalita. Biglaan din kasi ang paglipat nila ni Ruth sa condo kaya hindi na niya napag-aksayaang hanapin ang tambay na si Danilo.

Wala pa ring pagbabago sa lugar na kanilang tinirahan. Hindi pa natatapos ang pag­huhukay sa kanto. Marami pa ring basura bago pumasok sa eskinita. Wala pa ring takip ang drainage.

Hinanap niya si Danilo. Wala. Dito lamang sa kanto iyon tumatambay. Baka nagbago na ng lugar.

Ipinagtanong niya sa nagtitinda ng sigarilyo.

“Manong si Danilo nakita mo?’’

“Oo. Kanina lamang na­rito. Baka umalis lang.’’

“Salamat po.’’

Naghintay sa may kanto si Mommy Donna.

Maya-maya, nakita niya ang papalapit na si Danilo.

“Mam Donna long time no see!’’

“Lumipat na kami ng tirahan.’’

“Mukhang bigatin ka na Mam Donna.’’

“Hindi naman. Mayroon bang naghahanap sa akin, Danilo?’’

“Meron Mam pero hindi ko nakuha ang pangalan. Kasi, mabilis na umalis ang sasakyan.’’

“Japanese ba?”

“Hindi ako sure kung Ja­panese. Tinted kasi ang salamin ng sasakyan. Driver lang ang nagbukas ng salamin at nagtanong at mabilis ding umalis.”                        (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with