^

Punto Mo

12-anyos na babae sa Dubai, kumanta sa 102 wika, kabilang ang tagalog

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 12 anyos na babae ang bumasag ng dalawang world record matapos siyang kumanta sa 102 mga wika sa isang konsiyerto na idinaos sa Dubai. Isa sa mga wika na kanyang alam ay Tagalog.

Isang seventh grade student si Sucheta Satish sa Indian High School sa Dubai at noong una ay nasa 80 wika lang ang alam niyang kantahin. Hindi naman siya tumigil sa pag-aaral kaya sa loob ng isang taon ay higit sa 100 lengguwahe na ang kaya niyang kantahin.

Japanese raw ang unang natutunang kantahin ni Satish matapos daw niyang marinig na kumanta ang isang Hapones na minsang bumisita sa kanilang tahanan.

Pagkatapos daw nito ay Arabic at Tagalog naman ang kanyang pinag-aralang kantahin habang siya ay nasa eskuwelahan.

Simula noon ay isang kanta sa isang bagong lengguwahe ang pinag-aralan ni Satish kada linggo. French, German, at Hungarian daw ang pinakamahirap matutunan samantalang mga kanta sa Maori, Armenian, at Slovakian naman ang kanyang mga paborito.

Nang dose-dosenang mga kanta na sa iba’t ibang mga wika na ang kanyang napag-aaralan ay saka pumasok sa isip ni Satish na maaari nga siyang makapagtala ng bagong world record.

Sa huli ay dalawang record ang naitala ni Satish, isa para sa pinakamaraming lengguwahe na kinanta sa isang konsiyerto at isa pa para sa pinakamatagal na live performance ng isang bata matapos siyang mag-perform ng 6 na oras at 15 minuto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with