^

Punto Mo

EDSA 3 nilangaw, anyare?

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

NAGISING ang sambayanang Pinoy kahapon ng umaga na si Pres. Digong pa rin ang presidente ng Pilipinas. Taliwas ito sa pinagkakalat ni Sarah Jane Elago ng Kabataan Partylist sa social media na masisipa na si Digong sa puwesto sa Feb. 24 sa kasagsagan ng paggunita ng 32nd EDSA People Power Anniversary at ang papalit sa kanya ay si Vice Pres. Leni Robredo. Anyare? Maraming dahilan ang mga kosa ko sa Camp Crame kung bakit hindi natupad ang balakin ni Elago at alipores niya sa hanay ng mga komunista. Siyempre, kasama ang dahilan ang sobrang taas na popularity rating ni Digong sa masa. “Ika nga, walang warm bodies na gustong sumama sa EDSA 3 na napanawagan ng kaliwa. Nandyan na din ang ayaw na nang sambayanang Pinoy ng kaguluhan dahil sa sobrang tagal na ng People Power ay wala namang nangyaring pagbabago sa buhay nila. At higit sa lahat, walang armed component ang EDSA 3 na pinapanawagan ng tropa ni Elago dahil sa pinangalagaan ni Digong ang mga pulis at military sa pamamagitan ng pagdoble ng suweldo nila. Kaya’t hayan, nilangaw ang EDSA People Power monument sa Quezon City kung saan nagtipun-tipon ang mga kalaban ni Digong at sa totoo lang mas marami pa ang na-deploy na anti-riot contingent ng PNP kaysa dumalo sa protest rally nila, di ba NCRPO chief Dir. Oscar Albayalde? Hak hak hak! Palpak ang EDSA 3, ayon pa kay Albayalde, kaya mahihirapan ng muli ang mga kalaban ni Digong para maghanap ng paraan na pabagsakin siya!

Pero sa ganang akin naman, medyo nagtagumpay na rin ang kilos protesta dahil sa pag-walkout ng mga estudyante ng UP at iba pang eskuwelahan sa bansa. Kumbaga, naiparating nila sa Palasyo ang hinaing nila tulad ng EJK, pagiging diktador ni Digong, at ilan pang programa ng gobyerno na kinokontra nila. Kahit kulang ang bilang nila, tiyak napansin nang Palasyo ang hinaing nila na dapat namang aksiyunan ito ni Digong. Subalit naiiba si Digong. Habang pinipilit siyang umaksiyon sa mga hinaing ng mga estudyante, lalo niya itong kinokontra at tiyak na aalsa na naman ang puso’t damdamin ng mga Pinoy, di ba mga kosa? Kaya kung gagawing basehan ang kilos protesta laban kay Digong nitong EDSA People Power anniversary, mukhang mahihirapang mapatalsik ng kaliwa at mga alipores nila si Digong kahit sandamakmak na negatibong reports pa ang naglalabasan sa radio, TV, diyaryo at sa social media laban sa kanya. Get’s n’yo mga kosa? Kaya siguro nararapat lang na magpulong itong mga kaliwa, at ng mga pulitiko na sumasakay sa isyu nila para ibahin naman ang modus operandi para gisingin ang natutulog na damdamin ng mga Pinoy nang sa gayun umalsang muli ang mga ito para labanan ang administrasyon ni Digong. Hindi na kasi umuubra ang pagkumpara lang kay Digong sa yumaong ousted Pres. Ferdinand Marcos. Kung tungkol naman sa isyu ng salapi na ginamit laban kay yumaong ex-Supreme Court Justice Renato Corona eh wa epek na ito kahit paulit-ulit na binubuhay ito ni Sen. Antonio Trillanes. Siguro kung maglabas ng ebidensiya si Trillanes, baka sakaling magbago ang desisyon ng mga Pinoy. Subalit wala eh! “Ika nga puro laway lang. Hak hak hak! Natuto na ang mga Pinoy at hindi na sila nadadala ng puro laway lang, di ba mga kosa? Tumpak!

Pero hindi naman nagkulang sa pagkilos itong kaliwa at mga kaalyado niya dahil namonitor naman sila ng tropa ni Albayalde na nagre-recruit sa hanay ng masa para sumama sa protest rally nila. Ayon kay Adrian Jay Jaymalin, kinukumbinsi ng mga recruiter ang mga residente ng Isla Puting Bato at Baseco sa Tondo na sumama sila katumbas ng P250 kada araw subalit ayaw ng mga residente dahil mahal nila si Digong at ayaw nilang mapatalsik ito. Si Jaymalin kasi mga kosa ay may gym sa Binondo at doon nakasalamuha niya ang mga taga-Baseco at Islang Puting Bato. Ang masama niyan, minumura ng mga residente ang mga recruiter at harap-harapang sinasabi na mas gusto nila si Digong dahil me ginagawa kahit malimit pa itong nagmumura. Hak hak hak! Ano ba ‘yan? Sa Commonweatlh naman sa Quezon City, namonitor din ni Sr. Supt. Eleazar Matta, ang intelligence chief ng NCRPO, ang pagre-recruit sa mga residente at ang bayad naman ay mula P300 hanggang P500 kada araw. Subalit tulad sa Tondo, ayaw din sumama ng mga residente sa Commonwealth. Hak hak hak! Sa tingin ko, kailangan ng mga kaliwa at alipores nila ang sandamakmak na salapi para mapatalsik si Digong. Hindi lang naman kasi ang mga warm bodies ang babayaran nila kundi maging ang mga miyembro ng military at pulis na ma-recruit nila, di ba mga kosa? Kaya kung itong palpak na EDSA 3 ang gagawing basehan nila, aba mukhang maraming isyu ang dapat na ibato nila laban kay Digong para sumama sa kanila ang lahat ng sector ng lipunan. Pero dapat me sapat na ebidensiya ha? Mahirap kayang banggain ang popular na lider tulad ni Digong na 82 percent ang rating niya sa nakalipas na survey. Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with