^

Punto Mo

EDITORYAL - Extension ni Bato

Pang-masa

PINALAWIG pa ni President Duterte ang termino ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa. Ang pagpapalawig sa term ni Dela Rosa ay inihayag ni Duterte nang magsalita sa oathtaking ng Federation of Indian Chamber of Commerce of the Philippines sa Malacañang noong nakaraang linggo. Mahaba-haba raw ang extension ni Bato.

Dapat ay noong nakaraang Enero 21, 2018 pa nagretiro si Dela Rosa pero ini-extend siya ni Duterte ng tatlong buwan. Dapat ay tapos na ang kanyang term sa Abril 24, 2018. Sabi naman ni Executive Sec. Salvador Medialdea, tatlong buwan uli ang extension ni Dela Rosa bilang PNP chief.

Nakuha ni Dela Rosa ang tiwala ng Presidente kaya naman kahit na paparetiro na ay ini-extend pa ang termino. Sabi ng Presidente nang unang i-extend ang term ni Dela Rosa, marami pa raw hindi natatapos ang PNP chief kaya binibigyan niya ito ng pagkakataon para tapusin ang mga iyon. Una nang sinabi ng Presidente na si Dela Rosa ang mamumuno sa Bureau of Corrections (BuCor) sa sandaling ito ay magretiro sa PNP.

Malaki ang tiwala ni Duterte kay Bato at nararapat lamang na tuparin nito ang lahat nang nakaatang na responsibilidad. Ngayong ini-extend siya, dapat mag-double time siya sa pagtatrabaho para maiangat ang imahe ng PNP na nadungisan dahil na rin sa mga ginagawa ng mga scalawag na pulis.

Maraming pulis ang sangkot sa masamang gawain. Sa kabila na dinagdagan na ng suweldo, marami pa rin ang nangongotong, nanghuhulidap at suma-sideline sa pagbebenta ng shabu. Mayroong mga pulis na ginagamit ang “Oplan Tokhang” para magkapera. Gaya ng mga pulis na sangkot sa pagpatay sa isang Korean businessman sa Pampanga. Dinukot ang Koreano sa kanilang bahay at saka pinatubos pero pinatay din. Ang masaklap, sa loob pa ng Camp Crame pinatay.

May pagkakataon pa si Bato para linisin ang PNP. Binigyan siya ng extension kaya nararapat niya itong samantalahin. Kaya naman niyang linisin ang PNP para maibalik ang nabatikang imahe. Gawin na ito ngayon.

May pagkakataon pa si Bato para linisin ang PNP. Binigyan siya ng extension kaya nararapat niya itong samantalahin. Kaya naman niyang linisin ang PNP para maibalik ang nabatikang imahe. Gawin na ito ngayon.

Related video:

vuukle comment

RONALD DELA ROSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with