^

Police Metro

Walang banta sa EDSA anniv – AFP

Joy Cantos - Pang-masa
Walang banta sa EDSA anniv � AFP
Tatapatan din ng AFP ang 300 mga opisyal at tauhan ng Philippine National Police (PNP) na magpapartisipa sa tradisyunal na Salubungan mula sa EDSA gate ng Camp Crame at Camp Aguinaldo kung saan sila magsisipagmartsa patungo sa People’s Power Monument.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Walang natatanggap na banta ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay ng gaganaping ika-32 taong anibersaryo ngayon sa makasaysayang EDSA People’s Power 1 Revolution.

Ito ang nabatid kahapon kay AFP –Joint Task Force (JTF) National Capital Region Commander  Brig. Gen. Allan Arrojado kung saan magpapakalat din sila ng 200 puwersa upang tumulong sa 1,850 pulis para tiyakin ang seguridad sa okasyon.

Tatapatan din ng AFP ang 300 mga opisyal at tauhan ng Philippine National Police (PNP) na magpapartisipa sa tradisyunal na Salubungan mula sa EDSA gate ng Camp Crame at Camp Aguinaldo kung saan sila magsisipagmartsa patungo sa People’s Power Monument.

Bagama’t walang natatanggap na banta sa seguridad,  mas mabuti na umano ang nakahanda sa lahat ng oras.

 May tatlong Civil Disturbance Management, dalawang Explosives Ordinance Division at dalawang K 9 teams o kabuuang 200 sundalo ang tutulong sa PNP sa pangangasiwa sa seguridad sa People’s Power National Monument sa Quezon City. Bantay sarado rin sa security forces ang EDSA Shrine sa may Ortigas na ipinagbabawal ang pagdaraos ng mga kilos protesta.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with