^

Punto Mo

‘Butt Lady’, isang milyong upos ng sigarilyo na ang napupulot sa mga lansangan ng California

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG aktibistang nakikibaka laban sa kalat  ang nagdiwang matapos niyang pulutin ang kanyang ika-isang milyong upos na sigarilyong nakakalat sa lansangan.

Binansagan ni Sally Dawly ang kanyang sarili bilang “butt lady” matapos niyang simulan ang kanyang  pakikipaglaban sa kalat at basura noon pang 2014 at kamakailan lang ay sinamahan siya ng kanyang pamilya, kaibigan at pati ng kanyang mga fans upang pulutin ang pang-isang milyong upos na sigarilyo.

Hinango ni Dawly ang bansag niya sa  kanyang sarili mula sa “cigarette butt” na siyang katumbas sa Ingles ng upos na sigarilyo.

Sinimulan niya ang kanyang adhikain dahil sawang-sawa na raw siyang makakita ng kalat sa lahat ng lugar na kanyang nilalakaran.

Napansin niya ang mga upos ng sigarilyo ang panguna-hing basurang nakakalat sa paligid kaya iyon ang kanyang pinuntirya at sinimulang pulutin mula noon.

Gumagamit si Dawly ng clicker upang mabilang niya ang dami ng upos na sigarilyo na kanyang napupulot sa loob ng isang maghapon na pag-iikot. May mga araw daw na aabot sa 3,000 upos na sigarilyo ang kanyang nalilinis mula sa mga lansangan.

Pinayuhan naman ni Dawly ang mga naninigarilyo na huwag itapon kung saan-saan ang kanilang mga upos. Mas maganda pa nga raw kung tulu-yan na lang nilang ititigil ang paninigarilyo para pareho nilang mapabuti ang kanilang kapaligiran at kalusugan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with