^

Punto Mo

Dalawang panig ng katotohanan

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

GAANO man kanipis hiwain ang isang kuwadradong keso, lalabas at lalabas ang dalawang banda. Ang mahirap na tanong, aling banda nga ba ang totoo?

Marami ang nagsitaasan ang kilay at kumyaw-kyaw sa isang segment namin sa Kilos Pronto nitong nakaraang linggo. Karamihan sa mga natanggap naming komento, negatibo. Pero may mangilan-ngilan ‘din namang nakaintindi na gusto ko tawaging, matatalino.

Habang yung iba ayaw ko naman tawaging bobo. ‘Di ko sila masisisi dahil yun ang kanilang gusto. Pero may gusto lang din ako ipaintindi sa inyo kaya ginawa ko ang column na ‘to. Sa mga putak nang putak diyan, para sa inyo ‘to!

Tulad ng paulit-ulit naming sinasabi sa publiko, bukas ang aming tanggapan kahit kanino. Wala kaming pinipiling reklamo at ‘di namin inuurungan kahit sino pang talpulano.

Nitong nakaraang Huwebes bukas-palad naming pinakinggan ang problema ni Louie Lim. Reklamo niya, pinadlock daw ang mga gamit niya sa negosyo ni Rodolfo Ducusin na may-ari ng building.

Dahil dito agad niyang sinampahan ng kaso si Rodolfo. Gusto niyang makuha ang mga gamit niya at ma-refund ang advance at deposit niya sa pwesto.  Pero ang kasong isinampa ni Louie agad ding na-dismiss ng piskalya dahil sa kakulangan sa ebidensiya.

Para bigyang linaw ang problema, agad naming tinawagan si Rodolfo. Pagsagot pa lang niya ng telepono natatawa na siya sa reklamo.

Depensa niya, handa naman daw siyang ibalik ang mga gamit ng negosyante pero hindi kasama ang pera. Kulang pa raw kasi itong pambayad sa mga buwan na hindi siya nagbayad ng renta.

Sagot naman ni Louie, dalawang buwan lang niya nagamit ang puwesto at ‘di na nasundan ito.

Ang nakakatawa sa istoryang ‘to, napaka simple lang nang pinagmulan ng pagtatalo. Dahil sa isang pangakong signage na hindi natupad, ang relasyon ng dalawang negosyante biglang nagkalamat.

Mga boss, seryoso ba kayo?

Nagkataon na ang inirereklamo ay kasama namin ni Alex Santos sa industriya. Pero hindi dahil dito ay kakampihan na namin siya. Kung totoong pumapanig kami sa isang banda, una pa lang sana ‘di na namin tinanggap ang reklamo at ipinalabas ito sa buong mundo.

Isa lang ang gusto kong iparating dito mga boss. ‘Di porke’t kayo ang nagreklamo ay kakampihan na namin kayo. ‘Di rin porke’t inireklamo ay mali na agad ‘yung tao.

Hindi kami basta-basta tumitirada nang hindi muna nag-iimbestiga. ‘Di kami kunsintidor at lalong hindi kami embalsamador tulad ng iba. At sa huli dun pa din kami sa kung ano ang tama.

Sinubukan naming pag-ayusin ang dalawa pero talagang matigas sila. Walang gustong magpatalo at nagpapataasan ng ihi ang dalawang ‘to.

Kaya minabuti namin na ‘wag nang makialam sa reklamo at imbes na makisawsaw pa, ipinaabot na lang namin sa Mayor ng Taytay ang problema.

Ngayon sabihin niyo sa akin, may mali ba sa ginawa namin? Kayo na ang humusga!

Let me state this, ‘I mean what I say, I say what I mean.’

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with