^

Punto Mo

Sino si Andrew Cunanan? (Part 4)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

DEPRESYON ang naging dahilan ng pagbaba ng mental health ni Andrew. Sobrang selos ang dahilan kung bakit niya pinatay ang lalaking minahal niya ngunit iniwan siya matapos itong makakuha ng kapalit niya. Magkasunod niyang pinatay ang “third wheel” at ex lover niya.

Pumunta siya sa Chicago at pinatay si Lee Miglin na isang  72 years old real estate developer. Walang makita ang mga pulis kung ano ang koneksiyon ng dalawa para ito patayin ni Andrew. Matapos patayin ay kinuha niya ang kotse nito. Umuwi siya sa kanilang tahanan sa San Diego. Umalis muli pagkatapos kumain ng sandwich at magpahinga.

Gamit ang sasakyan ni Miglin, pumunta siya New Jersey at muli na namang pumatay. Ang ikaapat na biktima ay isang cemetery worker. Pinatay niya ito para nakawin ang sasakyan nitong Chevrolet. Kailangan niyang magpalit-palit ng sasakyan para hindi siya madaling ma-trace ng mga pulis. Pagkatapos niyang isagawa ang kanyang ikaapat na krimen, siya nakasama sa listahan ng FBI’s Ten Most Wanted Fugitive.

Siya ang naging subject ng mga artikulo sa Time at Newsweek magazine bilang suspect sa apat na patayang nangyari. Tinawag siya ng Time na “gay socialite” samantalang “upbeat party boy” ang tawag sa kanya ng Newsweek.

Nagkakilala  sina Gianni Versace at Andrew Cunanan sa Colossus, isang nightclub sa San Francisco. Madalas magbigay ng party si Versace sa kanyang bahay sa Lake Como. Si Versace ang unang bumati kay Andrew.

Pamilyar ka sa akin. Di ba’t nagkita na tayo sa Lake Como ?

Tumango si Andrew. Walang makapagsabi kung talagang nakarating na sa Lake Como si Andrew. (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with