^

PSN Palaro

James, Cavs hiniya ng Wizards

Pilipino Star Ngayon

CLEVELAND--  Hindi naging maganda ang home debuts nina Larry Nance Jr., George Hill, Rodney Hood at Fil-Am guard Jordan Clarkson para sa Cavaliers.

Humataw si Bradley Beal ng 18 points kasunod ang 17 markers ni Kelly Oubre Jr. para tulungan ang Washington Wizards sa 110-103 paggiba sa Cleveland.

Hinugot ng Cavaliers sina Nance, Clarkson, Hill at Hood sa hangaring muling makapasok sa NBA Finals.

Binigyan ang apat ng standing ovations ng mga Cleveland fans kung saan mas nakatanggap si Nance ng mas malakas na palakpakan.

Siya ay anak ng shot-blocking at slam dunking champion na si Larry Nance Sr. na isang two-time All-Star sa kanyang walong seasons para sa Cavaliers.

Bago ang laro ay sinabi ni Nance Jr. na pinayagan siya ng NBA na gamitin ang retired No. 22 jersey ng kanyang ama na mananati­ling nakasabit sa rafters ng Quicken Loans Arena.

“I'm ecstatic about it,” sabi ni Nance Jr., isusuot ang No. 22 jersey ng kanyang ama mula sa dating ginagamit na No. 24 simula sa susunod na linggo.

Ipinoste ng Wizards ang 11-point lead bago umarangkada si LeBron James ng 14 sunod na puntos para ilapit ang Cavaliers sa 103-106 agwat.

Tumipa si Beal ng isang driving layup para ibigay sa Washington ang 108-103 abante habang naimintis ni James ang isang free throw kasunod ang isang lane violation.

May 8-2 record nga­yon ang Wizards matapos magkaroon si star guard John Wall ng knee injury.

Naglista si Tomas Satoransky, pumalit kay Wall, ng 17 points at 8 assists para sa Washington.

Humugot naman si James, hinirang na MVP sa nakaraang All-Star Game, ng 14 sa kanyang 32 points sa final canto  para sa Cavs.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with