^

PSN Showbiz

Liza Soberano, Enrique Gil magkasama sa litrato kasunod ng 'breakup' rumors

James Relativo - Philstar.com
Liza Soberano, Enrique Gil magkasama sa litrato kasunod ng 'breakup' rumors
Litrato nina Enrique Gil, Liza Soberano kasama ang iba pa na ipinaskil nitong ika-31 ng Mayo, 2023
Mula sa Instagram account ni Maquie Raquiza Sarmiento

MANILA, Philippines — Usap-usapan ngayon ang diumano'y hiwalayan ng isang sikat na on-screen and off-screen love team na sina Liza Soberano at Enrique Gil — bagay na tila pinapabulaanan ng isang paskil ng malapit sa kanila.

Martes lang kasi nang sabihin sa YouTube vlog ni Ogie Diaz, dating manager ni Liza, na natapos na ang relasyon ng dating alaga sa aktor na si Enrique.

Pero sa isang Instagram post ni Maquie Raquiza Sarmiento nitong Miyerkules, makikitang magkatabi sa litrato ang tambalang "LizQuen."

"Hanggang sa muli Pilipinas," sabi niya sa caption ng larawan kahapon.

Ginagamit tuloy ito ngayon ng fans bilang pruweba na kabulaanan lang ang ikinakalat ni Ogie patungkol sa real-life showbiz couple.

Hindi pa naman klaro sa ngayon kung bago o lumang litrato ang ipinaskil ng dating road manager ng aktres.

Una nang sinabi ni Ogie na gusto pa raw sana ni Enrique na ituloy ang relasyon "mula sa malayo," ngunit si Liza na raw ang nagdesisyong pumutol dito para makapagpokus sa pangarap makapagtrabaho sa Hollywood.

"Ang nakarating sa atin, hiwalay na sina Enrique Gil at Liza Soberano," sabi ng dating manager ng aktres.

"Hindi ko alam kung pareho nilang gusto 'yun pero ang nakarating sa atin ay choice ni Liza na tutukan muna ang kanyang career programming, kaya wala na raw.

"Ang nakarating sa atin ay si Enrique Gil 'yung nagpu-push pa na baka kaya, na baka posible pa ring maituloy, pwede naman niyang i-allow si Liza kung ang gusto ni Liza na ito pa rin ang kanyang Hollywood dream pero sila pa rin,” ani ng talent manager. 

Isa pa sa binutbot noon ni Ogie ang hindi pagbati ni Liza sa kanyang nobyo sa social media nang mag-birthday ang nabanggit noong ika-30 ng Marso.

Wala namang tinutukoy na third party sa diumano'y hiwalayan na tinutukoy ng showbiz manager.

vuukle comment

BREAKUP

ENRIQUE GIL

LIZA SOBERANO

OGIE DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with