^

PSN Showbiz

‘Ayoko ng tahimik…’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Siguro dahil sa birthday ko na sa May 20, 76 years old na ako, dapat laging meron akong motivation.

Kasi kadalasan parang tinatanong ko sarili ko, ano ba ang gagawin ko? Been there, done that, wala na akong napi-feel na excitement.

Para bang may boredom na akong nadarama kung minsan.

Talagang kailangan ko ng mental challenge para ma-excite.

Talagang hindi ako sanay nang walang ‘crisis’ sa buhay ko dahil dati ang dami kong dapat ayusin, now biglang tahimik.

Naku, kaya yata nagkasakit ako dahil hindi sanay ang katawan ko na walang problema, hayun, nagkaroon tuloy ako ng chronic kidney disease.

Hay naku, talagang sa tulad ko, talagang gulo sa buhay yata ang laging hanap. Masyado kasing active ang utak ko na gusto laging may inaayos na problema. Kaya hindi ako natatakot sa mga threat na I will consult my lawyer ng mga fat ladies dahil come on, make my day.

Ayoko ng tahimik, mas masarap meron kang crisis na hinaharap na alam mong kakayanin mo dahil wala kang ginagawang masama.

Bongga, ‘di ba.

Hahaha.

Direk Lino, nahasa nang husto ang mga alagang artista

Naku, nakaka-touch naman talaga si ex-mayor Lino Cayetano na kinukumusta ako every now and then.

People like him talagang hindi mo malimutan dahil sa kabaitan at care nila sa iyo. Nakakatunaw ng puso.

Kaya naman lagi kong dasal na sana lahat ng project ni direk Lino ay maging successful dahil isa siyang mahusay na director. Halos lahat ng alaga niya sa StarStruck, naging mahusay na artista na nahasa niya nang husto.

Sana naman makagawa siya ulit ng isa pang reality show na maglalabas ng talento para madagdagan pa ang stars na magiging idol ng lahat.

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with