^

PSN Showbiz

Enrique, umiwas makisawsaw

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Enrique, umiwas makisawsaw
Enrique Gil at Liza Soberano

Maganda nga ang ginagawa ni Enrique Gil na umiiwas sumagot pag tinatanong tungkol kay Liza Soberano.

Mas mabuting tahimik naman talaga siya kesa lumabas na sumasakay siya sa mga issue tungkol sa girlfriend niyang si Liza.

Puwede naman talaga na hindi sila maging loveteam at maging solo ang mga career.

Mas mahirap pa nga na madikit pangalan nila sa isa’t isa pagkatapos ng mga pangyayari dahil iba ang career path na gusto ni Liza.

Sa tingin ko, madali namang i-partner sa iba si Enrique.

Talented siya at professional kaya madali ang trabaho.

Kaya kung gugustuhin niya, marami pa rin stars ang puwedeng maging katambal niya.

Sa panahon ngayon, mahirap ang isa lang puwede mo tambalan, dapat puwede ka kahit kanino para hindi limitado ang trabaho.

Maraming nadiskubre ngayong pandemic at isa nga rito ang tungkol sa loveteam.

Mas malawak ang pwedeng gawin ng isang artista kung walang ka-loveteam kaya pwedeng-pwede itong gawin ni Enrique na wala si Liza.

Well, sana lang ay kapwa sila magtagumpay sa mga pinaplano nila sa buhay.

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with