Setbacks at curveballs post ni Dingdong, pinag-uusapan!
Maraming napaisip na followers si Dingdong Dantes.
Ito ay matapos niyang i-post na nakakaranas sila ng mga ‘setback’ and ‘curveball’ sa nakalipas na ilang linggo, na normal aniya sa buhay.
Ngunit sa gitna ng kaguluhan, may mga sandaling nakakalimutan niya ito, tulad daw nung pinapanood niya ang kanyang anak na babae, si Zia, sa unang recital nito.
“We’ve been experiencing setbacks and curveballs in the past few weeks, which is normal in life. But amidst the chaos, there are moments like this - watching my daughter play the piano with grace in her first recital.
“Suddenly, I snap out of the worry and all I see is beauty.
“It reminds me to hold onto hope and find comfort in life’s little moments, and that everything’s gonna be alright.
“Everything’s gonna be alright.,” ang buong post ng actor.
As usual may iba’t ibang assumption ang followers at nagbigay rin sila ng iba’t ibang interpretation sa nasabing setbacks and curveballs nabanggit ni Dingdong.
Kung medyo naging curious ang fans sa post ni Dingdong, proud mom naman si Marian.
“Attended Zia’s piano recital yesterday and this little girl always amazes me! Couldn’t be more proud of you Ate Z! #MariaLetizia.”
Ang galing-galing ni Zia, multi-talented.
Bukod sa pagpa-piano, ang galing din nitong kumanta at sumayaw.
- Latest