^

PSN Showbiz

Dingdong, pinaka-masuwerte!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Dingdong, pinaka-masuwerte!
Dingdong Dantes

Gustung-gusto ko ang style ng hosting ni Dingdong Dantes.

Nakakatuwa talaga ang Family Feud dahil sa maayos at masayang hosting ni Dingdong.

At habang nagtatagal lalo pa siyang nagiging pogi at talagang very matinee idol ang dating.

Talagang iba ang Dingdong Dantes, ang aura at charms niya.

Kaya kahit itabi mo sa ibang stars, iba pa rin ang aura niya.

No wonder halos araw-araw na nasa TV siya, at ngayon pa lang hinihintay na ang Royal Blood series na gagawin niya.

Mukhang exciting ito dahil kakaibang Dingdong daw ang mapapanood mo.

Talagang year of the Dantes ang 2023, kasi pati mga anak nila ni Marian Rivera na sina Zia at Sixto talagang nasa balita.

Bongga.

Siya na talaga ang pinaka-maswerte.

Ogie, nagluluksa!

Pinaka-masakit na yata sa lahat ang mawalan ka ng ina.

Kaya nga nararamdaman ko ang lungkot ni Ogie Diaz. Namatay ang ina ni Ogie na sure ako na masaya dahil nakita niya ang success ng kanyang anak.

Naalala ko pa nun pareho, pa kaming walang kotse ni Ogie at parehong istambay ng Escolta at Avenida, Rizal dahil nandun ang mga opisina ng mga movie production. Iyon taggutom days namin na tuwang-tuwa kami pag naaabutan ng konting ayuda.

Iyon napupuyat ka sa mga shooting para lang pag-uwi mo merong konting pabuya sa pagbabantay mo sa shooting.

Tawa kami nang tawa dahil parehong movie fan ang aming mga nanay na natutuwa pag nalamang galing kami sa shooting ni ganito at si ganun na artista.

Sa pagda-dalamhati mo Ogie, alam ko na merong parte ng puso mo ang masaya dahil naibigay mo lahat ang gusto ng nanay mo.

Sure ako na pag nagkita sila ng nanay ko, pareho silang very proud na pinag-uusapan tayo.

Condolences my dear Ogie, from the bottom of my heart, prayers for the soul of your beloved mother. (Ang amin ding pakikiramay, Ogie, sa inyong pamilya. - Salve)

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with