^

PSN Showbiz

Magandang aktres na may ex na aktor, pumatol sa non-showbiz girl na sobrang ganda

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

May kumakalat palang kuwento tungkol sa magandang aktres na pagkatapos niyang makipaghiwalay sa matagal nang nakarelasyong aktor, at na-link na rin sa ilang non-showbiz guy, sa girl naman siya ngayon nali-link.

Sobrang tahimik lang daw at hindi taga-showbiz ‘yung girl, pero nakakapagduda na raw ang closeness ng dalawang ito.

Kuwento ng aming source, karelasyon na  raw talaga, pero parang ayoko pang maniwala.

Pero puwede rin, dahil malakas ang dating ng aktres na ito at baka sinubukan lang.

Hindi naman kapani-paniwalang lesbyana siya.

Ang ganda rin daw nung girl, at ang ganda raw nilang tingnan ‘pag magkasama sila.

Hindi kaya na-inspire lang sila kay Klea Pineda at sa napakagandang girlfriend nito?

Sa totoo lang, iba na rin talaga ang mga kabataan ngayon.

Parang normal na rin sa mga kalalakihan lalo na ‘yung mga nasa alter world.

Ganun na rin sa girls ngayon.

May ilang Vivamax stars na nakatsikahan namin at tuwang-tuwa pa silang inamin sa amin na may experience sila sa kapwa girl.

Kagaya ni Micaela Raz ng series ng Vivamax na Sssshhh, sure naman daw siyang hindi siya lesbian, pero naa-attract daw siya minsan sa magagandang girl at naka-experience raw siya na na-enjoy naman daw niya.

“Na-attract ako sa girls. Siyempre, girls ‘yan e.

“Mas okay ako sa girls, kesa sa mga guys.

“Kapag makipagkaibigan o makipag-usap ganun. Pero relationship, feel ko, hindi ako makipag-ano sa girls.

“Fling lang. Nag-experiment lang ako. Kakaiba siya, nag-enjoy ako,” natatawa niyang pahayag.

Si Robb Guinto naman ng Vivamax movie na Paupahan, nagka-crush din daw siya sa kapwa girl na niligawan daw niya talaga, pero hindi naman daw umabot sa pakikipagrelasyon.

“Before po kasi, nagka-crush ako sa isang girl. Pero hindi lang natuloy. Niligawan ko talaga siya. Pinapadalhan ko siya ng flowers. Pumunta pa talaga ako sa bahay nila sa ‘Farview.’

“Ewan ko! Nagka-crush talaga ako sa kanya. Pero later, nalaman ko na nagkabalikan sila ng ex niyang guy. Na-hurt ako,” kuwento ni Robb Guinto.

Si Tiffany Grey naman ay naka-experience rin daw siyang nakipaghalikan sa kaibigan niyang girl.

“One time po ‘yung nag-kiss lang sa akin, tapos na-attach na ako sa kanya.

“May girl na na-ano, tapos after nun parang bakit parang iba ‘yung naramdaman ko. As in nag-kiss lang talaga kami.

“Kasi close ko talaga ‘yung girl. Kasi mabait naman siya, sobrang ganda. Tas, hala! Parang na-confuse ako kung ano ba ‘tong nararamdaman ko,” natatawa rin niyang kuwento sa amin.

Coco, hindi nagpaka-safe

Sobra kaming natuwa kay Coco Martin nang nakapanayam namin sa nakaraang premiere night ng pelikulang Apag na entry ni direk Brillante Mendoza sa nalalapit na Summer Metro Manila Film Festival.

Napag-usapan na noon pa na second choice lang si Coco dito, at sinasabi niyang basta obra ng mentor niyang si Direk Brillante, wala na siyang kuwestiyon, kahit anong role, tatanggapin niya.

Pero bilang fan ni Coco Martin, nawindang lang ako sa ending at nagtaka bakit tinanggap ito ng Kapamilya Primetime King.

Kaya tinanong ko ito sa kanya, bakit pumayag siya sa ganung ending.

Pero nilinaw sa amin ni Direk Brillante na mismong si Coco raw ang nag-suggest na ganun ang gagawing ending.

Dalawang version pala ang ending nila.

Iba ‘yung sa isinali nila sa international film festivals, iba rin itong sa Summer MMFF na baka ikaloka ng fans niya.

Sabi ni Coco, “Siyempre as an actor, gusto ko gumawa ulit ng kakaiba naman.

“’Yung ano ang bagong putahe? Ano ‘yung bago kong makikita. Ano ‘yung come on sa akin para bumalik sa sinehan. ‘Yun ang hinahanap ko.

“Kaya nung pinanood ko ‘yung pelikula kanina, masayang-masaya ako, hindi dahil sa kung ano ‘yung collaboration namin ni Direk Dante. Kung hindi alam kong iba naman ang pelikulang mapapanood ko.

“E ngayon nakita ko ang line-up ng mga pelikula e. Kadalasan, puro mga indie films, malalim, bago. Bagong approach, bagong mga director, marami ring mga bagong actors na kasali.

“E di maganda ngayon, iba ‘yung timpla sa December, iba rin ‘yung timpla sa Summer Film Festival.”

Handa kaya ang fans ni Coco sa kakaibang pelikulang ginawa niya, na hindi typical Coco movie na masaya at ang kuwela lang?

“Kasi po honestly ako, alam ko ang venue na ginagalawan ko. Alam ko ‘pag nasa TV ako. Alam ko ‘yung mga manonood na kini-cater ko, mga tagahanga ko.

“Alam ko rin pag gumagawa ako ‘pag Pasko. Alam ko ‘yung kini-cater ko.

“Ngayon, kung ano man ‘yung pelikula namin ngayon, happy ako kasi sabi ko nga, ibang venue ito e.

“Maaring pareho ng Metro Manila Film Festival. Pero iba ang mga kalahok.

“Mas magwu-worry ako honestly kung nagpaka-safe kami sa pelikula namin.

“Sasabihing ganun, ‘a para rin kami isa sa mga ordinaryong pelikula na ginawa,” saad ni Coco Martin.

vuukle comment

COCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with