^

PSN Showbiz

Angeline, pamilya ang turing sa mga kaibigan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Angeline, pamilya ang turing sa mga kaibigan
Baby Sylvio at Angeline

‘Katuwa naman lunch chikahan namin. Kumpleto kami dahil nandu’n sina Pat-P Daza, Leo Espinosa, Gorgy Rula, Salve, Lolit, honorary member na si Bambbi, at ang sweet na host na si Cris Roque ng Kamiseta.

Talagang dumaan si Nanette Medved at pati si Francis Simeon kasama ang favorite singer namin na si Angeline Quinto na parang family tayo na dala pati ang mabait na asawa at baby nila na sobrang cute.

Talagang nagulat kami dahil imagine mo na para bang relatives kami na ipinakikilala sa kanyang baby.

Ang bait naman ni Angeline Quinto na sina Kate at Ethel ng dating ABS-CBN ang nag-aalaga sa ngayon kasama si Francis kaya naman umaapaw ang PR nito.

Kadalasan kasi na ‘yung talent kaya mabait at close sa showbiz press dahil mabait ang mga nakapaligid.

Gaya ni Angeline na kaya siguro ibang-iba ang dating ng PR dahil mabait ang mga nakapaligid.

Isa siya sa may pinakamagandang boses among singers natin kaya kahit pang-longtime sure ako na mananatili sa itaas at hindi puwedeng talbugan ng mga bagong singers.

Lalo pa ngayon na sabi nila mas gumaganda ang boses ng isang singer ‘pag nagkaroon ng baby, mas lalo pang mahirap talunin sa ngayon si Angeline dahil doble ganda pa lalo ang boses niya, promise.

Iza at Ben, nadagdagan ang ligaya

Ang galing naman ni Iza Calzado-Wintle. Talagang shinare niya sa follo­wers niya ang baby nila ng asawang si Ben.

At tuwang-tuwa naman ang lahat na nasa mabuting kalagayan si Iza Calzado after giving birth sa una nilang baby ng kanyang asawa.

Parang kailan lang ikinasal sina Iza at Ben kaya ang saya ng lahat na ngayon ay heto at isa na siyang ina. Mukhang happy ang married life ni Iza na lalo pang madaragdagan ng ligaya ngayon na heto at meron nang baby sa pamilya. For sure na magiging ideal mother din si Iza, bongga at congrats.

 

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with