^

PSN Showbiz

Carlo, dini-date ang baguhang leading lady na kamukha ni Trina!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nagsisimula nang magpa-preview ang iba pang entries ng Summer Metro Manila Film Festival, at todo na ang promo dahil Holy Week na next week, kakapusin na sila sa araw ng promo.

Ang isa sa wala pang ingay ay itong love story na pelikulang Love You Long Time nina Carlo Aquino at ng baguhang aktres na si Eisel Serrano.

Nung taong 2021 pa pala nila ito ginawa sa Baguio, at nagpasalamat silang napili ito sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival.

Nakatsikahan namin si Eisel sa DZRH nung nakaraang Lunes at kinumusta namin ang pagsasama nila ni Carlo sa pelikulang ito. “Medyo intimidated. Siyem­pre ang ipinakita niya sa akin, sobrang professional niya at hindi niya pinaramdam sa akin na bago lang ako, at siya matagal na.

“Saka sinuportahan niya ako sa pelikulang ito, at hindi ko rin po in-expect na magkaibigan kami. Kaya ang ganda ng pagsasama namin dito sa pelikula,” pakli ni Eisel.

Kung nung 2021 pa nila ito ginawa, ‘yun ang panahong nagkakaisyu na si Carlo sa ina ng anak niyang si Trina Candaza.

Tinitingnan nga namin si Eisel, parang may similarity sila ni Trina. Kaya tinanong namin ang aktres kung pinormahan kaya siya ni Carlo nung ginagawa nila ang pelikulang ito.

Matagal na nag-isip si Eisel bago siya sumagot.

Aniya, “Para po sa akin, normal naman na maging sweet at maging gentleman at maging friendly si Carlo Aquino. I don’t think na nanliligaw ang mga ganung gestures.

“Pero na-sweetan lang po ako sa actions at sa mga ipinapakita niya.”

Pero lumalabas daw sila minsan noon at dumadalaw si Carlo sa bahay niya.

“Hindi ko po alam kung tatawagin ‘yun date. Siguro friendly date po. Siyem­pre, lumalabas po kami, bumibisita rin naman siya,” saad ni Eisel.

Natigilan siya sandali nang tinanong namin kung posible kaya siyang ma-in love kay Carlo kung sakaling liligawan siya.

“Kung ako ang tatanungin, may chance po. Sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Carlo Aquino. Napakabait at napakagaling.

“Pero siyempre, nirerespeto ko po that time and until now ‘yung nanay ng kanyang anak.

“So, hindi… siyempre iniisip ko rin po at kinu-control dahil iniisip ko po ‘yung mga taong puwedeng masaktan,” seryosong pahayag ni Eisel Serrano.

Angeline, nawindang nang ‘di makilala ng anak

Nawindang si Angeline Quinto nang naranasan niyang hindi na Makilala ng anak niya pagbalik galing Amerika.

Last year daw ‘yun nung nagkaroon siya ng concert tour sa Amerika at Canada.

Isang buwan siyang nawala at naiwan dito sa Pilipinas ang anak niyang si Sylvio at ang partner niyang si Nonrev Daquina. “Kung sakaling matagal ‘yung work sa ibang bansa, nahihirapan po ako sa ganun. Kasi, like last year nagkaroon po ako isang buwan sa US at Canada, pag-uwi ko, hindi na niya ako kilala.

“So, ‘yun ang sinabi ko kay Ma’am Kate (Valenzuela). Kung meron man na offer ng abroad na show, kasama ko sila. ‘Yun po,” pakli ni Angeline nang nakatsikahan namin nung Lunes, nang dalawin niya si Manay Lolit Solis.

“Mahirap! Sabi ko, bakit ganun? Ganun talaga. Dapat kapag ganun edad niya na ilang buwan pa lang siya, kailangan lagi mo siyang kasama.

“Nasaktan ako. Ayoko nang maulit ‘yun hangga’t maari,” dagdag niyang pahayag.

Medyo namimili na raw siya ng mga tatanggapin niyang projects dahil kailangan kasama na raw niya ang anak niya hanggang sa formative years nito.

Sa ngayon ay abala muna si Angeline sa promo ng pang Summer Metro Manila Film Festival nila ni Alex Gonzaga na Single Bells.

Kapapanganak lang daw niya nang ginawa niya itong Single Bells at nung last year lang daw natapos.

Ang saya lang daw nila ni Alex nung ginawa nila ang pelikulang ito.

 

vuukle comment

CARLO AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with