^

PSN Showbiz

Dalawang young actress sa serye, nauwi sa romansahan ang relasyon

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nauwi na raw sa romansahan ang ending ng pagsasama ng dalawang young actress sa isang series.

Eh magkalaban man sila sa series, pero ngayon, loving-loving na sila, huh!

Sabagay, sanay naman si YA 1 sa girl to girl relationship habang si YA 2 eh matigas din ang dating kaya natapos man daw ang kanilang labanan sa TV screen, nagpatuloy naman ito sa ibang parte ng kabahayan, huh!

Tutal naman, wala nang dyowa si YA1 habang wala namang nababalitang dyowang lalaki si YA 2. So sila muna ang magtikiman! Ha! Ha! Ha!

Baguhang leading lady ni Carlo, mas inuna ang pag-aaral

Naudlot ng pandemic ang launching kay Eisel Serrano bilang Star Magic talent.

Eh ang ginawa ni Eisel, ipinagpatuloy ang pag-aaral niya at naka-graduate siya bilang summa cum laude sa isang prestigious school ha!

Pero may nagawa siyang movie at si Carlo Aquino ang kapareha niya. Ito ay ang Love You Long Time na isa sa entries ng 2023 Summer Metro Manila Film Festival.

Teka, hindi ba siya pinormahan ni Carlo that time?

“Magkaibigan lang po kami. Binibigyan ko rin siya ng advice dahil alam ko po ang nangyayari sa kanya,” sabi ni Eisel nang maging guest sa kinabibilangan naming Maritess University podcast.

Si Johnny Manahan daw ang naka-spot ng potensiyal niya na hawig kay Janine Gutierrez.

Hindi ba siya inaaya ni Manahan na lumipat na rin sa GMA gaya niya?

“May mga inaayos pa po ako. Malalaman ninyo ang sasabihin ko kapag naayos na po ang lahat,” sabi ni Eisel na tila napipinto na ang pagkalas sa Star Magic.

vuukle comment

RELATIONSHIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with