Kris, nakakuha ng ‘safe’ na kaibigan
Mukha raw mas ok na ngayon si Kris Aquino, ayon sa kanyang favorite na ‘personal shopper’ na si Ronite.
Kasalukuyang nasa US si Ronite at dinadawlaw si Kris.
BFF na ang kanilang turingan dahil maalaga si Ronite at masarap kausap at kasama.
Nahuli niya ang loob ni Kris dahil nga sa dalas ng pagkikita nila at ngayon close na close na sila.
Masarap na stress buster ni Kris si Ronite na sikat sa mga mahihilig sa branded items dahil sa hilig niya sa mga merchandise na kayang-kayang ipakita sa kanya nito.
Kaya hindi kataka-taka na paborito nila ngayon ang isa’t isa.
Natutuwa ako dahil alam ko na safe si Kris kay Ronite dahil trustworthy ito at talagang mapagkakatitiwalaan.
Nakakatawa madalas ang mga situation nilang dalawa lalo pa nga at alam ng lahat na paiba-iba ang ihip ng hangin ni Kris, at si Ronite naman madaling mataranta at magulat. Hah hah, parang nakikita ko na at pati sina Joshua at Bimby alaga na rin ni Ronite.
Kahit naman anong sabihin, for me isa pa rin sa pinakamabait na tao si Kris kaya hindi kataka-taka na mahal siya ni Ronite.
Coffee Project, pasok sa most instagrammable cafes!
Bongga ang Coffee Project.
Favorite coffee shop namin ito na sinimulan ni Camille Villar at dito kami madalas mag-presscon dahil kay Avec Amarillo.
Napili ito as one of the most instagrammable coffee shop. Bongga.
Maganda naman talaga ang concept, maayos ang service, at talagang reasonable ang presyo ng mga pagkain kaya madalas puno ito.
Kadalasan pa makikita mong nagkakape rito si Sen. Manny Villar o Cynthia Villar. At talagang very safe dahil lahat ng branch ay may security.
- Latest