^

PSN Showbiz

Vice, aminadong maraming sablay

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Vice, aminadong maraming sablay
Vice
STAR/ File

Sa limang taong nagdaan ay si Vice Ganda ang itinanghal na Most Trusted Entertainment & Variety Presenter ng Reader’s Digest.

Labis ang pasasalamat ng It’s Showtime host dahil sa pagkilalang natanggap. “Maraming salamat Madlang Pipol, sa buong sambayanang Pilipinas, sa Reader’s Digest. Kasi parang ako ‘yung pinakamaraming napanalunan sa category na ito. Fifth year, 5 consecutive times kaya thank you very much. Happy ako kasi ginawa nila akong cover, 3rd cover ko na rin ng Reader’s Digest. Grabe ‘yung pagmamahal n’yo sa akin.

“Kahit ang dami kong sablay, patuloy n’yo akong binibigyan ng pagkakataon para makabawi at pasayahin kayong muli. Maraming-maraming salamat po, I am sharing this wonderful recognition to all my It’s Showtime hosts. Hanggang ngayon pinagkakatiwalaan n’yo pa rin ako na magpatawa sa inyo everyday, magbigay sa inyo ng saya, magpa-good vibes sa inyo sa Showtime, sa mga vlogs, pelikula ko,” nakangting pahayag ni Vice.

Para sa komedyante ay isang malaking karangalan na nakatatanggap siya ng parangal mula sa kilalang magasin. “No’ng mga bata tayo, parang ang bongga ng Reader’s Digest tapos biglang naging cover ako ng Reader’s Digest. Tapos ngayon pinaparangalan ako ng Reader’s Digest, limang beses na sunud-sunod. Maraming, maraming salamat po,” dagdag pa niya.

Ayon kay Vice ay ang kanyang mga mahal sa buhay ang nagsisilbing inspirasyon upang pagbutihin palagi ang lahat ng kanyang mga ginagawang trabaho. “May Ion (Perez) na nag-i-inspire sa akin everyday. Siya lagi ang nagsasabing GV (good vibes) lang. Saka sa nanay ko at lola ko, sila ‘yung nag-subscribe dati sa Reader’s Digest para makapagbasa kami. This is for you nanay, thank you very much. I love you,” pagtatapos ng It’s Showtime host.

Jeremy, idinaan sa kanta ang nararamdaman sa babae

Napapanood na ngayon sa YouTube channel ng Star Music ang lyric video ni Jeremy Glinoga para sa kantang Bini. Tungkol daw ito sa isang lalaking mahiyain at hindi masabi ang tunay na nararamdaman para sa napupusuang babae. Aminado si Jeremy na talagang mayroon siyang naging inspirasyon upang maisulat ang kanta. “We were just writing. It was me, Sir Jonathan Manalo ang Sir Rox Santos. Ang dami kasing love songs din, we wanted something that would stand out. Siyempre there’s an inspiration for this song. There’s a person that I wrote this to. But for me, if that person would want to know if the song is about her. I’d gladly tell her. But in terms of disclosing who this song is specifically for. It’s just between me and that person,” makahulugang pagbabahagi ni Jeremy.

Bukod sa pagkanta ay aktibo na rin ang singer sa pagiging host sa online show ng ASAP Natin ‘To tuwing Linggo. “It’s surprises me every single day. Bukod sa music, I have also been blessed with shows for hosting. It’s overwhelming and I feel humbled by the trust being given to me by ABS. It just makes me want to become better in all those aspects. It definitely opened new doors for me and hopefully more blessings in the future,” paglalahad ng binata.

(Reports from JCC)

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with