^

PSN Showbiz

Empoy, kapang-kapa si Alessandra

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Empoy, kapang-kapa si Alessandra
Alessandra de Rossi

Napapanood na ngayon sa pamamagitan ng Prime Video ang pelikulang Walang KaParis na pinagbibidahan nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez. Matatandaang unang pumatok ang tambalang Alempoy sa pelikulang Kita Kita noong 2017. Ngayon ay malaki na raw ang ipinagbago ng samahan ng dalawa lalo na pagda­ting sa trabaho. “Siguro sa Kita Kita nagkakapaan pa kami no’n. Ngayon, kapang-kapa ko na siya. I mean kilala na namin ‘yung isa’t isa at comfortable na kami sa isa’t isa na mag-work. Talagang nag-iisa si Alex,” nakangiting bungad ni Empoy.

Kabilang din sa bagong pelikula ang BAFTA at Golden Globe nominated actress na si Dolly de Leon. Isang malaking karangalan umano para sa aktor na makatrabaho at nagsilbing acting coach nila si Dolly. “Actually, pag-uwi ng Pilipinas napapanaginipan ko pa rin siya. Sabay kami nag-quarantine ng 10 days. Nag-aabutan kami ng pagkain,” natatawang kwento ng komedyante.

Ayon kay Empoy ay kailangan talagang mapanood ng mga tagahanga ang kanilang bagong pelikula ni Alessandra. Bukod sa magandang kwento ng Walang KaParis ay kaabang-abang din ang bawat eksena rito. Sa Paris pa kinunan ang karamihan ng tagpo sa pelikula. “Para sa akin ‘yung mga tao kasi matatalino na ngayon pagdating sa movie at saka sa pag-ibig. Gusto nila ‘yung mga makabagong teknolohiya na madi-discover nila na meron pa palang mga gano’ng istorya na maibubuga ‘yung mga bagong direktor, mga writer ngayon,” pagtatapos ng aktor.

Karina, gustong subukang maging kontrabida

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw makagawa ni Karina Bautista ng isang kontrabida role. Para sa dating Pinoy Big Brother housemate ay gusto niyang masubukan kung paano maging kontrabida sa telebisyon man o pelikula. “Gusto kong maging kontrabida for once. Kasi I want to break the stereotype na ang kontrabida kailangan nakataas ang kilay. Kailangang mukhang matapang, maldita. Pero in real life we all know everyone can be kontrabida, hindi ba? ‘Yung mga mukhang mababait, hindi n’yo alam,” makahulugang pahayag ni Karina.

Para sa aktres ay talagang kailangan na malapit sa tunay na buhay o pangyayari kung sakali mang magampanan niya ang isang karakter na kontrabida. “‘Yung mga role kasi na greyish na hindi mo alam kung mamahalin mo or kakainisan mo. Like after the movie mapapasabi ka, ‘Ano ba ito?’ May rason siya, totoo siyang tao, hindi siya character. Totoo siya na mararamdaman mo na she has reasons of doing these bad things in her life at the same time mali,” paliwanag ng dalaga. (Reports from JCC)

vuukle comment

ALESSANDRA DE ROSSI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with