^

PSN Showbiz

Bela, may inilihim kay Lorna!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Bela, may inilihim kay Lorna!
Bela Padilla
STAR/File

Si Bela Padilla ang gaganap bilang anak ni Lorna Tolentino sa pelikulang Yung Libro Sa Napanood Ko. Isa ito sa mga kalahok sa Metro Manila Summer Film Festival na mapapanood simula April 8 hanggang 18.

Si Bela rin ang mismong direktor ng naturang pelikula at personal nitong pinili ang premyadong aktres upang gumanap na kanyang ina rito. Aminado ni Bela na talagang kinabahan siya nang makatrabaho si LT. “Ako hanggang ngayon, kinakausap ko si Ms. LT even before naming mag-shoot, pero iba siyempre ‘yung nasa set na kayo. Hindi ko pinapahalata pero kabang-kaba ako kapag nasa set si Ms. LT. Kasi gusto kong maging professional, pero pinadali po niya ang buhay ko,” nakangiting pahayag ni Bela.

Ayon sa aktres ay nasaksihan niya kung gaano kagaling bilang isang aktres si Lorna. “May isang eksena kami na nagkukwentuhan bago mag-take. Kasi ang akala ko matagal pa ‘yung setup. So nagkukwentuhan kami sa rooftop. Tapos tinawag kami ng DOP (Director of photography) na okay na. Naka-set up na, pwede nang pumasok si Ms. LT sa eksena. I remember asking her, ‘Do you want a moment? Gusto mo bang magpatugtog ng music?’ Sabi niya, ‘Hindi, okay lang.’ Pag-action, tumulo agad ‘yung luha niya. Samantalang everyone is so well-prepared at talagang magagaling,” kwento niya.

Matatandaang 366 ang kauna-unahang pelikula na nagawa ni Bela noong isang taon bilang isang direktor. Para sa dalaga ay mas nahirapan siya ngayon sa pangalawang pelikulang ginawa. “Mas mahirap ho itong second movie. Kasi no’ng first, I had direk Irene (Villamor) with me on set as my creative director. Ngayon, wala na akong bantay. Ako na lang ‘yung creative director. So, it was my first time na ang feeling ko talaga, I was responsible for everyone. And the difference also is we shot majority of the movie in Korea, 70 percent of the film. Siyempre, nakikisama ka rin sa bagong members ng staff, ng production na hindi ko pa nakakatrabaho before. There was also a language barrier. Pero I’m so grateful kasi lahat ng mga nakatrabaho ko, kahit sa Korea, sobrang madali. Hindi kami binigyan ng sakit ng ulo. Sobrang smooth ng naging transaction from Philippine shoot to Korea shoot. Ang laking factor na lahat ng actors on set knew their characters so well. ‘Yung pressure was lifted off my shoulder,” pagbabahagi ng actress-director.

Robi, may pinanghihinayangan

Bukod sa mga magulang ay marami ring kamag-anak na doktor si Robi Domingo. Pinangarap din noon ng TV host na maging isang doktor pero nagbago ang kanyang kapalaran dahil napasabak sa mundo ng show business. Ayon kay Robi ay mayroon siyang panghihinayang dahil hindi nakamtan ang pinangarap noon.

“I regretted it kasi it was a dream na gusto kong ma-fulfill for a score of my life. Yes, but I regret regretting it because kahit anong mangyari simula’t saput, I have that MD from the beginning. Si Marion Domingo, that’s my name. I am that MD. Ang batchmates ko they get to wear white coat all the time. Seal of their profession pero ako I get to wear a black one, blue one, pink one. It doesn’t matter. Before ang purpose ko was to become like my parents, like my lolo, my other cousins in order to help people. But because of what this institution has instilled me, because of the stories ng mga Kapamilya natin, that is the meaning of my life. To be in the service of the Filipino,” makahulugang pahayag ni Robi.

Sampung taon nang aktibo ang TV host sa industriya ngayon. Para kay Robi ay kailangan niya lamang ipagpapatuloy ang kanyang mga ginagawa para sa mga kasamahang nawalan ng trabaho dahil sa kawalan ng prangkisa ng ABS-CBN noong 2020. “Mas mahalaga sa akin ‘yung mga taong nasa likod, ‘yung mga taong nawala, nawalan ng trabaho. Nandito ako para patuloy na lalaban,” dagdag pa ng binata. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTRESS

BELA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with