^

PSN Showbiz

Jeric Gonzales basted noon, Klea Pineda tinatanong kung d’ who!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Jeric Gonzales basted noon, Klea Pineda tinatanong kung d� who!
Jeric Gonzales

Ang harsh ng ibang comments na nakakarating sa amin kaugnay sa pag-out ng Starstuck Ultimate Female Survivor na si Klea Pineda.

May ilang nagsasabing ‘da who’ pa rin kahit nag out na.

Pero naintindihan si Klea ng mga katrabaho niya sa GMA 7, dahil baka nahirapan na rin siyang magtago ng tunay niyang naramdaman. Kaya wala na siyang pakialam kung makaapekto man sa kanyang showbiz career.

Halata naman kay Klea noon pa na nahirapan siyang mag-adjust sa mga kalakaran sa showbiz.

Na-link siya sa ilang Kapuso actors, pero walang napa­balitang naging boyfriend niya.

Ang nabalitaan naming nanligaw noon kay Klea ay sina Jak Roberto, Andre Paras, at Jeric Gonzales.

Naging item sila noon ni Jeric, dahil sa tinanggap ng mga manonood ang tambalan nila sa afternoon drama na Magkaagaw.

Kaya sinubukan siyang ligawan ni Jeric. Pero siguro nahalata naman ng Kapuso actor na ‘di siya type nito, kaya hindi na ito nagpursige.

May na-link pa noon kay Klea na isang Kapuso actress na happy na ngayon sa kanyang boyfriend.

Nung nakaraang linggo lang ay nakapanayam si Klea sa podcast ni Nelson Canlas, pero hindi nila ito napag-usapan.

Nabanggit lang ni Nelson ang mga nanliligaw sa kanya kasama na si Jeric.

Sinabi niyang nabastusan pa raw siya noon nang tinanong siya tungkol sa panliligaw nito sa kanya.

Ang sabi niya :“Wala talaga ako idea sa tanong nila.

“Siguro isa ‘yun sa mga bastos na natanggap kong question na hindi nila iniisip yung nararamdaman ng ini-interview nila. Gusto lang nila ng write up. Gusto lang nila na may pag-usapan. Naging selfish sila sa part na yun.

“Ang parang ako….okay lang. Sige i-deny ko hangga’t kaya ko. Kasi hindi pa rin ako ready nung time na ‘yun e. Iyun ‘yung isa sa na-invade ‘yung privacy ko nang malala.”

Nagtataka kami bakit siya nabastusan sa ganung tanong, dahil kaya sa kanyang sexual preference?

May natutunan naman daw siya sa mga ganung klaseng tanong. “Alam ko ngayon sa sarili ko bilang artista, kung may gusto akong sagutin o ayaw kong sagutin. Nasa sa akin yun, desisyon ko yun.

“Okay ibato n’yo yung question, pero gusto ko po na may boundaries po tayo at lumalagpas na po kayo ‘dun. Kapag napi-feel ko na nalalagpasan ‘yung limits na ‘yun, ‘yung boundaries na yun, okay lang ako mag say no.

“Siguro yun ang natutunan ko from that interview,” saad ni Klea na nagkokontrabida na ngayon sa afternoon drama na Ara Bella.

Kahapon ay inamin na rin ni Klea kay Kuya Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda ang tungkol sa kanyang pagiging miyembro ng LGBTQIA+, at ipinakilala na ang magandang girl na isang taon na niyang karelasyon.

Marco, ‘Di binagayanng pagiging dukha

Nasilip namin ang pilot episode ng Kurdapya sa TV 5 nung nakaraang Sabado ng gabi.

Okay naman siya na iba ang atake nang pagpapatawa.

Mas maaga ang timeslot nito kaya hindi ito tumapat sa Pepito Manaloto ni Michael V na gamay na ang pagpapatawa.

Tiyak na nakakapagod ito kay Yassi Pressman dahil kambal ang ginagampanang role - sina Kuring at Daphne.

Ang isa pang napansin namin ay sadyang pinagpalit ng role ang dalawang lead actors na sina Marco Gumabao at Nikko Natividad.

Si Marco ang gumaganap na tambay na si Carlos at si Nikko naman ang sosyal dito na nouveau rich na ipinartner sa sosyal ding si Daphne.

Ang laking challenge nga kina Nikko at Marco, dahil nakikita namang mas kumportable si Marco sa role ng sosyal na mayaman.

Pero nakakatawa naman panoorin si Nikko na nagpapakasosyal.

Kaya lang, nakaka-distract pa rin ang kaguwapuhan ni Marco, ang kinis ng balat at mukha pa rin siya sosyal sa role niya sa Kurdapya.

Nung nakaraang presscon ng Kurdapya ay natawa si Marco sa nakakarating na komentong siya raw talaga ang hari ng Vivamax na itinanggi ito ng aktor.

“Ang daming nagsabing parang King o Prince of Vivamax. Hindi po ako yun. Again, inuulit ko for the nth time si Yosef Elizalde po and hari ng Vivamax,” natatawang pahayag ni Marco.

vuukle comment

ACTOR

JERIC GONZALES

KLEA PINEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with