^

PSN Showbiz

Seth, pinagplanuhan ang pag-kidnap kay Francine

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Seth, pinagplanuhan ang pag-kidnap kay Francine
Seth at Francine

Noong March 12 ay naganap ang proposal ni Seth Fedelin kay Francine Diaz upang maging prom date ng aktor sa Star Magic Prom na gaganapin sa March 30.

Ayon sa aktor ay talagang pinagplanuhan niya ang gabing iyon.

Tumulong ang aktor sa mismong dinner setup sa isang lugar sa Dasmariñas, Cavite upang isorpresa si Francine. “Simple lang naman ito and gusto ko lang gawing nakakakilig. Bagets-style, ayoko ng masyadong enggrande. Simple lang naman si Chin (tawag ni Seth sa aktres),” nakangi­ting pahayag ni Seth.

Para sa binata ay talagang espesyal ang turing niya kay Francine kaya pinagkaabalahan niya ang naturang ‘promposal.’ “Espesyal siya kaya gawin nating espesyal ito,” giit ng aktor.

Nasorpresa naman si Francine noong gabing iyon. Hindi raw inakala ng aktres na gagawin ni Seth ang mag-propose para sa naturang Star Magic event. “Ang alam ko lang talaga dinner. Then na-blindfold niya ako, kinidnap niya ako. ‘Di ko naisip at all. Usually ‘pag nag-aaya sila ng dinner, dinner lang talaga. ‘Di sumagi sa isip ko na may surprise,” nakangiting pahayag ni Francine.

“Thank you, obvious naman na plinano mo ‘to. Nakikita ko ‘yung nerbiyos. First time magputi ni Seth. First time niya magsuot ng ganyan,” dagdag pa ng dalaga.

Yeng, gustong maging mentor nina Janine at Janella

Si Yeng Constantino ang nagsisilbing global ambassador ng Academy of Rock.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto umanong i-mentor ng singer-composer ang ilang mga kasamahan sa industriya katulad ni Janine Berdin. “There’s just something about her parang nakikita ko noong nag-uumpisa ako. Even at a time when I was confused with my genre, nakikita ko sa kanya ‘yung transition niya to discovering what she wants to do in her music and her image. Janine is also writing her own songs. Nakita ko ang Spotify playlist niya last year and again this year. Ang gaganda ng mga kanta niya. She’s writing her own songs. So if I will mentor an artist, that would be her. I believe napakalaki ng potential niya. You see her hunger, her passion. Exciting ang mga gano’ng bata na maturuan. Kung ano ang itinanim mo sa kanya, siguradong tutubo,” pagbabahagi ni Yeng.

Bukod kay Janine ay gusto ring maturuan ni Yeng si Janella Salvador.

Nakitaan umano ng singer si Janella ng galing sa pagkanta ng iba’t ibang genre. “I believe hindi pa niya napapakita lahat. She can sing very well. Sobra, kaya niya ang theater, kaya niya ang pop, kaya niyang kumanta ng ballad. When the time comes na gusto pa niyang ilabas ang music side niya, nandito lang si Ate Yeng. Narinig ko lang siya sa dressing room. I think she can do belting pa. Pwede ko siyang turuan kahit sa projection. Kung kailangan pa niya ilabas ang music side niya sa area na ‘yon, matutulungan ko pa siya,” paliwanag ng singer-composer.   (Reports from JCC)

vuukle comment

FRANCINE DIAZ

SETH FEDELIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with