^

PSN Showbiz

Kung kelan tumanda...Alma, pinaliligaya ang sarili!

Pilipino Star Ngayon
Kung kelan tumanda...Alma, pinaliligaya ang sarili!
Alma Moreno

Nakakawindang ang mga eksena ni Alma Moreno sa Vivamax movie niyang Salamat, Daks, huh!

Napapanood namin ang eksena niyang nasa kama at nagsasariling-sikap habang may hawak na vibrator, huh! Oh my gosh sabi ng isang kaibigan na pinapanood din ang movie.

Sex-comedy ang movie at isang gurang si Alma na tigang sa sex!

Eh ‘pag nabo-botox siya, bumabata at nagiging bata at seksing si Ayanna Misola, huh!

Of course, sasabihing character lang ni Alma ang nasa movie at hindi siya. Pero nagreyna man siya sa sexy movies nung panahon niya, wala kaming natatandaang eksenang sariling-sikap nung kapanahunan niya, huh!

Samantala, unang daring movie ito ni Nikko Natividad.

Kabado raw siya nang gawin ang eksena pero kung sibasibin niya si Ayanna, halos kainin na niya ito nang buong-buo at parang sanay na sanay sa lampungan, huh!

Female host na atat makipagchikahan, nagpositibo sa virus

Nagkatarantahan sa taping ng isang talk show dahil sa isa sa hosts nila.

Eh bago kasi sumalang sa taping, required ang lahat ng involved sa show na magkaroon ng Antigen test for safety.

Nang magpa-test ang female host, kahit wala pang resulta, chika-chika agad siya sa lahat ng tao sa isang room. Hindi na niya hinintay ang resulta nito na ilang minuto lang naman.

Biglang nataranta ang may hawak sa resulta ng test ng host. Positive kasi ang naging resulta ng test ng host kaya pinalabas agad ang mga tao sa room na kasama ang host!

Pinauwi na lang muna ang host at mabuti na lang, naagapang kumalat sa lahat ng nakausap ng host kaya nagkaroon sila ng peace of mind!

Naging lesson sa lahat ang ginawa ng host na hintayin muna ang resulta ng Antigen bago makipag-chummy-chummy sa kasama, huh! (JUN NARDO)

vuukle comment

ALMA MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with