^

PSN Showbiz

Ruru at Bianca may offer sa EB?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ruru at Bianca may offer sa EB?!
Ruru at Bianca

Matagal-tagal din sa Eat Bulaga ang magkasintahang Ruru Madrid at Bianca Umali nang maging  co-host sila rito.

Kaya aware raw sila sa isyung kinakaharap nito, pero wala pa raw silang alam kung ano talaga ang nangyayari.       

Sabi ni Ruru, nung February pa raw sila huling nakapag-guest doon bilang co-hosts, at hindi na sila nakabalik dahil naging abala sila sa taping ng The Write One.

Sa March 20 na magsisimula sa GMA Telebabad ang The Write One, kaya maaring magpu-promote sila roon, pero wala pa raw silang ideya kung ano na ang mangyayari sa mga susunod na araw.

Ani Ruru nang  nakapanayam namin sa mediacon ng The Write One nung nakaraang Sabado; “Siyempre nababalitaan ko ang mga nangyayari. Wala po kasing definite na sinabi sa amin kung ano po talaga ang estado nila ngayon dahil the last time na nakapag-Eat Bulaga kami was nung Feb pa. Nung time na iyun hindi pa pinag-uusapan yung issue.

“So, dahil nandun pa kami sa tapings, wala po kaming idea kung ano po ang  nangyayari. But, kung ano man po yung pinagdadaanan po nila, kung ano mang klaseng pagsubok po yan, I’m sure malagpasan po nila yun. Kasi 44 years na ang Eat Bulaga, sa dinami-rami ng taong iyun sigurado mas marami po silang pagsubok na pinagdaanan na higit pa diyan.

“So, alam po namin na malalapagpasan po nila yan.”

Sabi naman ni Bianca; “Ruru and I, we both love Eat Bulaga, and I also love the relationship that I have with Mr. T, mga Dabarkads and everyone else. Sa lahat po na mga taong nasa loob ng APT, mahal po namin sila.

“Kung ano man po yung pinagdaraanan ng pamilya ngayon, of course we are one with them. We feel deeply as much as they do, and sa atin hindi lang po kami nakapag-Eat Bulaga ngayon because we are focused on taping our show. But hopefully, everything gets better.”

Ang isa pang narinig namin, kukuha raw sila sa Sparkle ng mga bagong host.

Tatanggapin kaya nina Ruru at Bianca kung sakaling mapili silang mag-hosts sa rebranded na Eat Bulaga?

“Sa ngayon po siguro, that will depend.

“Ayoko naman pong sabihin hindi. Ayoko naman pong sabihin oo. But, we’ll see. Mahal naman po namin ang Eat Bulaga,” safe na sagot ni Bianca.

 Saad naman ni Ruru; “Siyempre for us, blessing po yan e. Trabaho po yan. So, kung ano po yung i-offer sa amin, titingnan po namin kung alam po namin na makakatulong din po sa amin, and at the same time gusto po namin yung ginagawa po namin. Siguro dun lang.

“When it comes naman sa trabaho…I mean siyempre may say po kami, pero still, pinaparating pa rin po namin sa management po namin.”

Nathalie matagal nagpahinga

Matagal-tagal din palang nagpahinga sa showbiz ang sexy actress na si Nathalie Hart dahil mas nag-focus siya sa kanyang negosyong Gayatree Organics at sa pag-aalaga sa kanyang 4-year old daughter.

Ngayon lang siya bumalik sa pag-arte, sa pelikulang Kunwari…Mahal Kita ng Viva Films na magsu-showing na sa mga sinehan bukas.

Sabi ni Nathalie nang nakatsikahan namin via zoom kahapon, marami raw siyang tinanggihang projects dahil dapat nagustuhan niya ang script.

Kinausap na rin daw siya ng management team niya kay Leo Dominguez kung kailan ba siyang bumalik sa trabaho.

“Showbiz wasn’t my priority last year. Parang dinedma ko siya. Even like there were things na parang…I don’t want to work at the moment on that field.

“Tapos ngayon, we had a meeting this year, ‘ano Nathalie ano na? May pelikula ka naghihintay ayaw mo magtrabaho.

“And then, sabi ko, ‘no, Tito puwede na ako mag-work ngayon. I’m ready again, parang ganun yung sabi ko sa kanya.

“Now I feel like myself again, and actually I lost a lot of weight also and I feel like a lot younger, parang ganun. So, sabi ko puwede pa, let’s do it,” saad ni Nathalie.                             

 Excited siya dito sa pelikulang Kunwari…Mahal Kita dahil pampamilya itong tipong comeback movie niya. Hindi siya pang-R 13 o 16, kagaya ng mga ginagawa niya noon.

“Madrama siya, more on family drama. PG kami e. It’s really about family. Actually, you can bring your child o kung alam mo yun ang lola mo, lolo mo, tito, tita mo. Alam mo yun, it’s family drama, which is so nice,” bulalas ng sexy actress.

Lalo pa ngang pumayat siya at sumeksi, kaya okay pa rin naman daw siyang magpa-sexy.

“It doesn’t matter for me. Kasi, if I get a project na pang-R 16, I would take it if the storyline is nice. Iyun lang yung sinasabi ko sa management ko,” dagdag niyang pahayag.

Kasama ni Nathalie rito sina Joseph Marco at Ryza Cenon sa ilalim ng direksyon ni Roderick Lindayag.

vuukle comment

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with