^

PSN Showbiz

Isko, may big comeback

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Isko, may big comeback
Isko

MANILA, Philippines — Ikinakasa na ni ex yorme Isko Moreno ang talagang comeback niya sa movies!

Eh ‘yung appearance ni Isko sa Martyr or Murderer ng Viva Films eh cameo lang kaya marami ang naka-miss sa pag-arte niya sa big screen.

Nakita naming kausap ni Isko sa kanyang Scott Media office sa BGC ang isang director at staff na kasama.

Pagkatapos ng meeting nila, nasabi ni Isko gagawa siya ng movie na gusto niya talagang gawin. Of course, produced ito ng kanyang Scott Media.

Wala pang detalye tungkol sa project na ito ni Isko.

Samantala, namataan din namin sa kanyang office ang dalawang executives ng isang network matapos ang meeting nila.

Basta kilala ang dalawang showbiz peeps na ito na ‘yung isang girl ay naging bahagi ng dalawang networks habang ‘yung isa eh magaling sa marketing, huh!

Ex ni Moira, mas gusto nang tumira sa El Nido

Normal ang buhay ngayon ng singer na si Jason Hernandez na naninirahan na sa El Nido, Palawan.

Si Jason ang ex-dyowa ng singer na si Moira de la Torre. Present siya sa mediacon ng GMA at Viu series na The Write One last Saturday sa Admiral Hotel kung saan kinanta niya ang theme song titled Oras.

Sa maikling panayam namin kay Jason, sinabi niyang okay na siya after the break up.

Ayaw na niyang patulan pa ang mga hugot ni Moira sa kanyang concert na tila patama sa kanya.

 “Sa ngayon, family, friends and business muna tayo at tahimik ang buhay ko sa El Nido. Punta kayo sa lugar ko pag napasyal kayo,” pag-iimbita ni Jason sa press na kumorner sa kanya.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with