^

PSN Showbiz

Eat Bulaga may relaunching sa April, Alden gagawing poste ala-TVJ!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Eat Bulaga may relaunching sa April, Alden gagawing poste ala-TVJ!
Alden
STAR/ File

Iba na ang pakiramdam ko sa mga nasasagap kong kuwento tungkol sa mga pagbabago sa Eat Bulaga.

Ang latest na nasagap namin ay sa April 17 na ang relaunching nito.

Ito ay sa ilalim na ng pangangasiwa ng mga anak ng dating congressman Romy Jalosjos.

Si direk Louie Ignacio na raw ang magdidirek, at as of presstime wala pa ring linaw kung sino sa production staff ang maiiwan.

Bibigyan kaya ng retirement ang mga ‘di na isasali sa bagong grupong ito?

Ang dinig namin, sobrang lungkot na ng ibang staff na halos buong buhay nila ay nagugol sa programang ito.

Pagdating sa hosts, may ipi-pitch na raw ang Sparkle ng GMA 7 ng mga artista nila kung sino ang gustong gawing mainstay dito.

Gusto na raw nilang manatili si Alden Richards na isa sa mga poste sa bagong Eat Bulaga.

Kaya nga sinimulan na niya ang guesting nung nakaraang Sabado.

Narinig din naming may offer na raw kina Jose Manalo, Wally Bayola at Allan K. Pero wala kaming alam kung tatanggapin nila.

Ilang beses ko ring kinontak si AK, pero nakiusap siyang huwag muna siyang magsalita sa ngayon.

Lumalabas ngayon ang pangalan ni Kim Atienza na interesado raw ang mga Jalosjos na kunin siya bilang isa sa main hosts nito.

Malapit pala si Kuya Kim sa isa sa mga anak ni  Mr. Jalosjos. Pero paano ang TikToClock na pre-programming ng Eat Bulaga?

Gumaganda na ang rating nito at kumikita na ang naturang show, kaya ewan ko lang kung papayag ang GMA 7 na tanggalin doon si Kuya Kim.

May dagdag pang kuwentong isa sa executives nito ang pinapabalik, na obvious na si Ma’am Malou Fagar ang tinutukoy.

Pero isang kaibigan ang nagtanong sa kanya, itinanggi raw niya ito.

Pagdating kina Tito, Vic Sotto and Joey de Leon, ayaw pa rin muna nilang magsalita sa ngayon.

Pero naintindihan ko sila kung hindi na sila sasali sa bagong Eat Bulaga.

Kung ako ang manager nila, hindi ko na rin sila hahayaang manatili sa naturang programa, kahit sila ang mukha at poste ng Eat Bulaga.

Sa laki ng nagawa nila sa naturang programa, na minsan ay halos hindi na nga sila nasusuwelduhan, parang hindi tama ang trato sa kanila ngayon.

Kaya sana mabigyan lang sila ng graceful exit isa sa mga araw na ito.

Pero totoo kaya ang nasagap naming malaki ang halagang dapat na ayusin sa kanila bago sila magpaalam?

Abangan na lang natin ang susunod na magaganap, dahil itong mga nasagap naming kuwento ay hindi pa rin tiyak kung matutuloy o hindi. Puwede pang mabago ‘yan. Anything can happen!

Jason Marvin, ayaw sagutin ang mga patama ng ex-wife na si Moira

Hindi nakaiwas ang estranged husband ni Moira dela Torre na si Jason

Marvin sa media launch ng bagong drama series ng GMA 7 at VIU na The Write One.

Ginanap ang mediacon sa Admiral Hotel nung nakaraang Sabado na kung saan ipinalabas ang first two episodes ng naturang serye nina Ruru Madrid at Bianca Umali.

Namataan namin doon si Jason Marvin na pumayat din kagaya ni Moira. Siya pala ang kumanta ng theme song nitong pinamagatang Oras.

Nakorner si Jason ng ilang entertainment press para hingan ng pahayag kaugnay sa kanila ni Moira.

Nang pumutok ang kanilang hiwalayan ay hindi naman nagsalita si Jason.

Umiwas daw talaga siya, dahil wala naman daw siyang kailangang pang sabihin sa publiko.

Kaya nag-stay pala siya sa isang kaibigan sa Palawan, at meron daw siyang negosyo roon.

Pitong buwan daw siya roon, nagpapayat, inayos ang katawan at gumawa ng mga kanta.

Ngayon ay itinuloy niya ang kanyang singing career, at siya na nga ang kumanta ng theme song na Oras para sa The Write One.

Happy na raw siya para kay Moira na ang laki rin nang ipinayat at sumeksi na ito. “I’m super happy for her,” pakli ni Jason nang hiningan namin siya ng reaksyon sa pagpayat ni Moira.

Nakakarating daw sa kanya ang mga sinasabi ni Moira kapag nasa concert ito. Obvious namang siya ang pinatatamaan, pero ayaw na raw niyang sagutin.

“Honestly, nagkamali naman talaga ako. I deserve it,” tipid na sagot ni Jason.

Ayaw na lang daw mag-react pa sa sinabi ni Moira na medyo naiba.

“May mga details lang na iba, pero okay lang. Ganun kasi ako e. Never n’yo maririnig na gaganti ako. Naniniwala kasi na si God na bahala sa kanya. Siya na ‘yung mag-aano. I really don’t need to defend myself,” dagdag na pahayag ni Jason.

Maganda ang theme song ng The Write One na sinulat na kinanta ni Jason Marvin. Mapapanood na ito sa GMA Telebabad sa March 20 pagkatapos ng Hearts on Ice. Pero mapapanood na ito sa VIU sa March 18.

vuukle comment

EAT BULAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with