Executive ng EB nakabalik sa posisyon?!;ibang hosts delayed daw ang suweldo?!
May mga babalik palang executive ang Eat Bulaga.
Actually, nakabalik na raw.
Kaya talaga raw masalimuot ang mga pangyayari sa programa sa kasalukuyan.
Pero totoo kayang may utang sa GMA ang Eat Bulaga?
Mishandled ang sinasabing rason kaya’t kailangan daw i-take over ang management nito ng grupo ni former Zamboanga Congressman Romeo Jalosjos.
Though pulos ayon lang sa source ito at walang official statement tungkol dito.
Ang isa pang sabi ng source, delayed nga ba ang suweldo ng ibang hosts ng longest noontime show?
Not sure about this also dahil ayaw magsalita ng ibang tinatanungan ko pero hindi diumano updated ang suweldo ng mga host.
- Latest