^

PSN Showbiz

Toni lie low muna...Alex biglang bumait,‘di na nali-late sa mga commitment?!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Toni lie low muna...Alex biglang bumait,�di na nali-late sa mga commitment?!
Alex Gonzaga at Toni Gonzaga-Soriano
STAR/File

Bait-baitan daw ngayon si Alex Gonzaga ayon sa narinig kong kuwento.

Hindi na raw ito nali-late sa mga commitment niya. Lagi raw on time. Kaya hindi na ito pwedeng intrigahin.

Pero totoo kayang may disclaimer ito (Alex)? Huwag daw silang (mga katrabaho) masyadong masanay na consistent siya sa pagiging on time kasi ngayon lang ‘to habang mainit-init pa ang mga intriga sa kanya.

Hahaha.

Sunud-sunod ang mga kinasasangkutang kontrobersya ni Alex.

Pero pinakamalala ay nang nadawit ang vlogger-actress sa isang birthday controversy, partikular na ang pamamahid niya ng cake sa waiter na nag-serve nito sa isang private party na ini-upload ni Dani Barretto sa social media.

Kahit sa mga post nito lately ay parang bait-baitan din at walang chance ang bashers na atakehin si Alex o akusahang balahura etc.

Maging si Toni Gonzaga-Soriano ay wala ring masyadong ganap sa social media.

True rin kaya na lie low rin muna si Alex para tuluyan nang humupa ang mga basher sa pang-aatake sa kanya?

Sunud-sunod din ang intriga kay Toni, sa MMFF movie, concert at cancellation ng programa niya sa AllTV.

Pero ang isang sure raw, level up ang circle of friends ni Toni ngayon, hindi na lang basta mga taga-showbiz, mga nasa elite circle na.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with