^

PSN Showbiz

Kylie pinagtanggol si AJ sa pagiging kabit, ‘we’re really ok’

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kylie pinagtanggol si AJ sa pagiging kabit, �we�re really ok�
Kylie Padilla
STAR/File

Inabswelto ni Kylie Padilla si AJ Raval sa kabit / homewrecker label nito sa kanila ng ex husband na si Aljur Abrenica.

Sa isang Facebook live ay sinabi ni Kylie na pagod na pagod na siya sa kuwentong lumalabas tungkol sa pagiging kabit ni ganyan, ganito o ganyan.

Aniya ay tapos na ang nasabing kuwento at nasa bagong chapter na siya ng kanyang buhay.

Ito ang unang pagkakataon na nagsalita si Kylie tungkol kina Aljur at AJ.

“Sa totoo lang po talaga ayoko na pong nakikita yung pangalan ko na yung puro mga tabloid na nababasa ko kasi I’m working so hard to have a good career – na maganda yung trabaho ko, alam mo yun. – tas yun lang yung napapansin sa akin.

“Tapos na po e. I mean, siyempre ‘di pa tapos yung pag-aayos ng papeles but everything else tapos na po talaga siya. So kung meron mang magtanong ngayon, I will answer but that’s the last time I’m going to talk about this kasi happy na po ako,” umpisa niya.

Kaya naman may nagtanong kung maligaya ba siya talaga para kina Aljur at AJ.

“I am really happy po,” sabi niya.

“Basta… kasi kapag mahal n’yo po yung isang tao, ayaw n’yo pong makitang malungkot ‘yung taong yun. And after po nung nangyari sa amin, after ng pandemic, ayoko na po ever maramdaman namin yun and siya rin,” banggit niya.

“So kung saan po siya masaya at kung sino po ang magpapasaya sa kanila, I want them to take care of it and be happy. Kasi siya po ang kahati ko sa mga anak ko e. So dapat masaya rin yung tatay nila para buo yung mga anak ko. Kasi masaya na rin naman ako and ang ganda po ng mga nangyayari sa akin. So di ba, wala pong halong ka-echosan,” aniya pero walang banggit kung sino ang nagpapasaya sa kanya.

Hanggang nilinis na niya ang pangalan ni AJ sa pagiging kabit o third party sa kanilang pinag-usapang hiwalayan ng aktor noong 2021.

 “Hindi po talaga si AJ yung reason. And that’s the truth. Hindi po talaga siya. Kung meron man, hindi po siya. So please....

“Naawa na rin po ako sa kaniya.

 “As someone with struggles with mental health, ang hirap po na gigising ka sa umaga ta’s puro hate ‘yung makikita mo. Please guys, woman to woman na, hindi ako okay, it makes me emotional too, tigilan na po natin, please,” pakiusap pa ng aktres na kahapon ay nag-upload sa social media ng kanilang firing training ng amang si Sen. Robin Padilla.

Pagpapatuloy niya :  “Kasi it’s not fair to her – naiiyak ako… Hindi po talaga. Tama na, tama na. Hindi po talaga siya. I mean, si AJ Raval, she’s not lying. We’re really okay. Kaya tigilan n’yo po please. Tama na guys, kasi hindi talaga siya. Hindi siya and hindi ko ever sasabihin kung sino kasi ayoko na ng ganyan – nu’ng nag-a-ano tayo ng hate, ano na lang guys – kindness, love. We need more energy na ganu’n.”

Bago ang pagtatanggol at paglilinis ng pangalan ni Kylie kay AJ ay nauna nang nagpost si AJ na hindi talaga siya naging kabit.

“FYI walang inagaw, at lalong wala kaming nilokong tao alam yan ni Kylie, kung sira man family nila, one thing is for sure HINDI AKO ANG NANIRA NG FAMILY NILA. At literal na hiwalay na sila bago ako pumasok. Kaya wala kang karapatan sabihin sa akin yan. Bakit hindi nyo na lang i-research or hanapin kung sino ba talaga nanira? bakit ako ang sumasalo ng kasalanan na hindi ko naman ginawa? Anyway may you find your peace and happiness God bless you and your Family.”

Sa pagtatanggol kayang ito ni Kylie ay malinis nang tuluyan ang imahe ni AJ sa pagiging kabit o homewrecker?

 

vuukle comment

AJ RAVAL

ALJUR ABRENICA

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with