^

PSN Showbiz

Alex, ‘di pinagsasabi ang pagtulong

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alex, �di pinagsasabi ang pagtulong
Toni at Alex
STAR/ File

Sa totoo lang noon ko pa talaga type si Toni Gonzaga. Kasi kahit saan kami magkita very sweet at very polite siya, walang pa-star na aura.

Si Alex Gonzaga natuwa ako nang i-correct niya ang isang item ko, maganda ang ginawa niyang pakikipag-usap sa akin sa telepono. Pero ang pinaka-type ko sa mga Gonzaga si Mommy Pinty na kahit saan, kahit kelan, mabait sa akin ‘pag nakikita ko.

Wala akong naging problema sa mga Gonzaga, in fact type ko ang hosting ni Toni, gusto ko ang humor ni Alex, kaya no problem. Kahit nga noon na ikinorek ni Alex Gonzaga ang isa kong sinulat, wala lang, hindi ko pinalaki. Walang intriga.

Kaya naman natuwa ako nang sinabi ni Gorgy na nag-reach out si Alex Gonzaga para tumulong sa medical expenses ko. Napapraning na talaga ako sa rami ng mga gustong tumulong sa akin, masyado na akong na humbled sa pagmamahal ninyo.

Para bang kahit gaano pa maging kalaki ng magiging gastos ko marami pa rin ang maaasahan ko. Iyon lang kahit hindi kami close ni Alex Gonzaga pero nagbibigay ng financial assistance pati na si Mommy Pinty, parang shocking na para sa akin. Grateful forever, Gonzaga family, thanks for the love. Salamat.

Imperial Palace, maraming alaala ni Mother Lily

‘Yung Imperial Palace sa Timog parang banner ni Mother Lily Monteverde at ng Regal Films. Very memorable sa mga batang Regal na tulad ko, nina Ricky Lo at Douglas Quijano dahil nakita naming itinayo at nabuo.

Doon sa penthouse sa swimming pool madalas ang mga meeting na ginagawa ‘pag may bagong project ang Regal. Kaya lagi na basta nasa labas ako gusto kong dumaraan sa naturang building para maalala ko ang masayang past namin sa Regal Films ni Mother Lily Monteverde.

Nakakalungkot na parang napabayaan na ang Imperial Palace. Mukhang run-down, mukhang lumang-luma na. Kung sana ay well-maintained ito, dapat maning­ning pa rin at maganda dahil ang ganda ng location. Sayang ‘pag pinabayaan dahil puwede namang maayos dahil nagbabayad ng association fee ang mga nakatira.

Sayang ‘pag hindi inayos dahil ito ang trophy ni Mother Lily Monteverde. Dapat lagi itong nakikitang maganda para lagi mong maalala ang beautiful time ng Regal. Lagi mo itong makikita tuwing daraan ka ng Timog, kaya dapat ‘pag nakita mo, maganda ito. Sayang naman kung pababayaan lang ng ganun, sayang ang pangalan nito na associated kay Mother Lily. Kaya kung sinuman ang binigyang karapatan ni Mother Lily na mag-asikaso nito, dapat huwag pabayaan.

Please, let the tradition continue, basta Regal, bongga. Ganun din dapat sa Imperial Palace, bongga forever.

vuukle comment

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with