^

PSN Showbiz

Zeinab Harake, aminadong hindi kayang kontrolin ang bibig kaya napapasama

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Zeinab Harake, aminadong hindi kayang kontrolin ang bibig kaya napapasama
Zeinab Harake

Mas nae-excite ang social media star na si Zeinab Harake na pag-usapan ang good vibes kesa sa mga kontrobersya na damay ang pangalan niya.

“Mas nae-excite ako kasi parang, no offense dun sa mga nagtanong ng mga isyu, nape-pressure din ako minsan. Kasi may ugali ako na kapag tinatanong ako, dire-diretso ako sumagot. Hindi ko nakokontrol ‘yung nasasabi ko and minsan po dun ako namamasama.

“Tapos lately nagkakaro’n na ‘yung mga article, ‘yung pag-click bait nung mga nilalagay nilang news, medyo masakit sa part ko and pati dun sa part ng mga friends ko na dapat hindi ganun dahil ‘di naman talaga nila binabasa  talaga ‘yung buong kwento or napapakinggan. Kaya ‘pag ganito po ‘yung usapan natutuwa ako kasi alam kong cool lang ako para lang ako nagba-vlog. Good vibes lang. ‘Yun naman ang importante. Dapat ang ini-spread natin is good vibes, hindi ‘yung mga negative energy na nangyayari,” aniya nang makausap namin sa thanksgiving party ng ine-endorse niyang products ng Luxe Beauty and Wellness Group na pag-aari ni Ms. Anna Magkawas.

Ano ba ‘yung pampa-good vibes niya?

“Pampa-good vibes ko talaga mga anak ko. ‘Yun na ‘yon. Sa kanila na ‘yon. Opo, dalawa. Natutuwa ako kasi silang dalawa ‘yung relationship nilang magkapatid ngayon, parang sabi ko nga, ang bilis lumaki ng mga bata. ‘Yung boy ko is magsi-six (years old) na this July, si Bia magtu-two na this April so natutuwa ako lumalaki. Lumalaki na sila tapos nagsasalita na, sumasagot na ‘pag kinakausap mo. So ‘yun ang nakakapagpa-good vibes sa ‘kin.

“‘Pag umuuwi ako, ‘yung mga bata ang gising. So sila talaga ‘yung nakakapagpawala ng pagod mo. ‘Yung kahit pagod ka, ‘di mo iisiping matulog kasi mas gugustuhin mong makipaglaro sa kanila. ‘Yun ang importante, hindi dapat nawawala ‘yung play (time) natin sa mga anak natin. Kasi mawawala ‘yung attachment nila sa ‘tin lalo na kung may yaya lang, puro yaya lang. So dapat every time may free time ka schedule, sa kanila lang. Syempre ako lang naman parent nila,” pahayag pa ni Zeinab na naging controversial kamakailan dahil sa diumano’y pagba-badmouth niya sa ibang kapwa vlogger like Alex Gonzaga.

Sa ngayon ay isa siya sa mga in demand na endorsers. Ilan na ang endorsement mo? “Siguro po mga almost 10. May mga papalabas din po ngayon this coming month. May mga bago po. Sobrang natutuwa po ako kasi kahit anong mangyari, ang itataas talaga ni Lord ‘yung mga alam niyang hindi sumusuko, andyan lang palagi para lumaban. Laban lang sa buhay.”

vuukle comment

ZEINAB HARAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with