^

PSN Showbiz

Carlo, nagustuhan ang tawa ni Charlie

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Carlo, nagustuhan ang tawa ni Charlie
Charlie Dizon

Kinumpira ni Carlo Aquino na mayroon nang espesyal na namamagitan sa kanila ni Charlie Dizon. Kamakailan ay mainit na pinag-usapan sa social media ang mga larawan kung saan makikitang sweet umano ang dalawa.

Magkasamang nagdiwang ng bagong taon sina Carlo at Charlie sa La Union. “’Yung brother ko ‘di nakauwi from Sydney at saka ‘yung wife niya ng two years dahil pandemic. So pag-uwi nila, ‘yung relatives ng sister-in-law ko pumunta. Getting to know, ‘di ba nagkasama kami sa A Soldier’s Heart, nagkakilala kami do’n. Tapos nag-US tour, mas nakilala ko siya, pag-uwi, ayun,” pagtatapat ni Carlo.

Para sa aktor na mayroong mga katangian ang dalaga na talagang kanyang nagustuhan. Maraming pagkakataong nakitang magkasama sina Carlo at Charlie sa mga pampublikong lugar. “Ang positive kasi ng buong pagkatao ni Charlie. Gusto ko ‘yung tawa niya, kung paano siya with other people. Kapag kasama ko siya sa labas, ayaw ko kasi sa labas maraming tao. Kapag kasama ko siya feeling ko, I belong,” nakangiting pahayag ng aktor.

Masayang-masaya rin si Carlo dahil magkasama sila ngayon ni Charlie sa trabaho. “May sinu-shoot kami sa Blacksheep,” pagtatapos niya.

Arjo, nagkasugat, nagkapasa-pasa at nagkahiwa sa trabaho

Tinatapos na ang shooting para ng pelikulang Topakk na pinagbibidahan nina Arjo Atayde at Julia Montes. Ayon sa aktor ay talagang kailangang pakaabangan ng mga manonood ang bagong proyekto. “I don’t wanna spoil pero nagkasugat-sugat, may mga hiwa-hiwa, may mga pasa. Thank God, hindi nabalian ng buto. We have a very important message to send sa audience. Very interesting ‘yung story,” bungad ni Arjo.

Matatandaang huling nagkatrabaho sina Julia at Arjo sa seryeng 24/7 noong 2020. Kakaibang Julia raw ang matutunghayan ng mga tagahanga sa naturang pelikula. “Sobrang galing and professional ni Julia. Ito, kakaibang Julia talaga. Trust me, her character, her words. Ang daming bago sa kanya rito. She really brought her A-game. Ang galing n’ya. She really did something different, lalo na sa action scenes niya,” pagbabahagi ng binata.

Bukod sa pagiging artista at producer ay abala rin si Arjo bilang Congressman ng 1st District, Quezon City. Sinisikap umanong makapagpahinga ng binata kahit isang araw lamang sa buong linggo. “Usually Sunday, unless mayroong importanteng events sa district. But kung wala, I really relax on Sunday, family time. I really make sure naman na I work Monday to Friday sa district 1. Dahil nga po public servant ako, it’s more of Ria (Atayde) and my mom (Sylvia Sanchez). They are very hands on sa Nathan Studios (bilang producer). Ang support ko is when we talk as a family based on creative inputs, suggestions. It’s a collaboration especially now that we are working with brilliant people sa industriya.” paglalahad ng aktor. (Reports from JCC)

vuukle comment

CHARLIE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with