^

PSN Showbiz

Sen. Chiz, ‘di umeeksena sa Japan trip nila ni Heart

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Sen. Chiz, �di umeeksena sa Japan trip nila ni Heart
Heart Evangelista at Chiz Escudero
Heart Evangelista via Instagram

Ahh kasama naman pala si Sen. Chiz Escudero sa Japan trip nina Heart Evangelista at kambal na anak ng senador na sina Quino and Chesi.

Hindi kasi ito nakikita sa mga post ni Heart pero ayon sa mga chikahang narinig ko, baka si Sen. Chiz ang nagpi-picture sa kanila.

Mga mga post si Heart pero more on photos at kung may caption man, super short lang. Like “My favorite part ” habang nasa isang restaurant, pero wala sa eksena ang mister na senador.

Pero ang lalaki na pala ng kambal ni Sen. Chiz na super fan daw ng K-pop artists.

Anyway, ang dami nilang pinasyalan sa Japan.

Carlo at Charlie, holding hands sa La Union

So totoo nga bang mag-jowa na sina Carlo Aquino at Charlie Dizon o para lang sa promo ng kanilang first movie together na Love On A Budget?

Ito ang tanungan kahapon matapos kumalat ang holding hands photo nila na posted ng Facebook account ng isang restaurant sa La Union.

Ito kaya ang sinagot ng ex ni Carlo na si Trina Candaza?

Nag-post si Trina bago nag-New Year na walang banggit sa pangalan ng actor pero sinabi nitong nawala sa kanilang mag-ina ang isang tao na akala niya ay ang taong palaging mag-iingat sa kanila, isang taong poprotekta.

Technically ay single si Carlo dahil ‘di naman sila kasal ni Trina.

JM, may cheer up message sa sarili, Donnalyn nag-trending sa back to work na!

May letter to myself si JM de Guzman sa bagong taon.

In a nutshell, ang message ay tuloy ang laban.

Aniya :

“dear JM

“im proud of you. mahirap man tinahak natin nakatayo kapadin. di nga lang laging tama ang mga desisyon pero alam ko natututo tayo sa mga pagkakamali. Sana maabot natin lahat ng hangad natin. hindi madali alam ko. ilang taon ka na rehab. ilang taon kadin umangat. may mga nasaktan ka, at sana mapatawad kanila dahil alam kong hindi mo intensyon. hirap ka man lagi ako nandito para sayo. hindi kita susukuan. dati ang dilim ng tingin mo sa buhay, nagmahal ka , sumugal at nasaktan. ginampt mo sarili mo sa paraan na akala mo tama sa sugat na hatid ng buhay. pero lumalaban kapadin. masaya. tuloy tuloy lang tol. mahal kita

- kuya JM.”

Isa si JM sa mga aktor na hindi itinatago sa fans ang mga lubak na kanyang dinaraanan sa showbiz pero nanatiling andyan.

Speaking of JM, ano kayang nangyari sa pagli-link sa kanila ni Donnalyn Bartolome na controversial na naman kahapon dahil sa post na : “Bakit may sad dahil back to work na? Diba dapat masaya ka kasi may chance ka na pagandahin buhay mo at ng pamilya? Trip ko pa nga may work ng January 1 dahil superstition ko may work ako buong taon pag ganun. Dapat grateful kasi may work. If work makes you unhappy, I hope you find a job that will. Yung pakikiligin ka and sheet Anyway, this is just a reminder that having a job is a blessing bessss change mindset, it’s 2023!!”

Ang point, eh ano naman kung ‘yun ang opinion niya, pakialam naman ng followers niya.

Hahahaha.

Kino-kontra kasi siya, wala raw konsiderasyon sa ibang tao.

Ngek. Oh well...

vuukle comment

CHIZ ESCUDERO

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with