^

PSN Showbiz

'Paano mo ito nagawa?': Matet de Leon na-hurt nang kalabanin ni Nora Aunor sa negosyo

James Relativo - Philstar.com
'Paano mo ito nagawa?': Matet de Leon na-hurt nang kalabanin ni Nora Aunor sa negosyo
Makikita sa larawang ito si Matet de Leon (kaliwa) habang pino-promote ang brand nila ng gourmet tuyo at gourmet tinapa, mga produktong direktang kinokompitensya raw ngayon ng negosyo (kanan) ng inang si Nora Aunor
Mula sa Instagram account ni Matet de Leon

MANILA, Philippines — Nagpakawala ng mahahapding salita ang aktres na si Matet de Leon matapos siyang "kompitensiyahin" ng inang si Nora Aunor — bigla raw kasing naglunsad ng parehong-parehong mga produkto ang kanyang adoptive mother na babangga sa kanya.

Ito ang ibinahagi ni Matet sa kanyang paskil sa Instagram, Linggo, habang ipinagtatabi ang magkaibang bersyon ng mga produktong "gourmet tuyo" at "gourmet tinapa."

"Would you do this to your children? HONOR THY FATHER AND MOTHER. HOW? how can I do that now? Ay, AMPON PALA AKO," galit niyang sabi kahapon sa IG.

"Nung isang gabi, sinabihan ako na na mag resell na lang ng products ng nanay ko. Pinag hihirapan namin ang pagtitinda. Bakit all of a sudden, nagulat na lang ako, naglabas ang nanay ko ng direktang kumpitensya ng produkto ko."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Matet (@misismatet)

Kilalang ampon nina Nora at aktor na si Christopher de Leon noong sila'y magkarelasyon pa.

Dati nang usap-usapang may problema sina Nora at Matet. Matatandaang ngayong taon lang nang hindi makadumalo si Nora sa sariling National Artist conferment. Gayunpaman, isa sa mga nagrepresenta sa kanya si Matet.

"Alam niyang may produkto akong ganyan.. Marami naman daw akong taping. Ano sa tngin niyo gagawin ko ngayon? Ano magandang gawin?" sabi pa ni Matet.

"Kung may anak kayo, GAGAWIN NIYO BA SA MGA ANAK NIYO TO?"

Matagal na raw nilang itinayo ang brand na Casita Estrada, bagay na siyang nililito pa raw ng kanyang asawa, pagbabahagi niya sa kanyang YouTube kahapon.

Ani Matet, bahagi raw ang kanyang kapatid na si Kenneth sa negosyo ng ina. Maliban sa kanilang dalawa, anak din nina Nora at Christopher sina Lotlot at Kiko.

Wala pa namang komento si Nora patungkol sa mga sinabi ng kanyang anak.

vuukle comment

BUSINESS

MATET DE LEON

NORA AUNOR

TINAPA

TUYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with