^

PSN Showbiz

Isko Moreno kinabibiliban ang collection ng mga painting; gaganap na Ninoy Aquino sa mom!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Isko Moreno kinabibiliban ang collection ng mga painting; gaganap na Ninoy Aquino sa mom!
Isko Moreno

“Isko Moreno as Ninoy Aquino?

“The Filipino is worth dying… INSIDE

#MoM2023 #MoM #MARTYRorMURDERER,” ang confirmation post ni Direk Darryl Yap sa comeback movie ng dating Manila Mayor.

Si Isko, na matagal nang napahinga sa pag-arte, ang unang cast member na pinangalanan ng controversial director para sa sequel ng Maid In Malacañang (MiM) na Martyr or Murderer (MoM).

Pero sigurado na kasama sa MoM sina Cesar Montano and Ruffa Gutierrez bilang sina Ferdinand and Imelda Marcos na nauna na nilang ginampanan sa MiM.

Ang MoM ang sequel ng blockbuster movie na  Maid In Malacañang ay nagkukuwento sa huling 72 oras ng mga Marcos sa Palasyo.

Ang ikalawang yugto ay iikot sa sinasabing pinakamalaking akusasyon na natanggap ng mga Marcos : na sila diumano’y sangkot sa pagpaslang kay Benigno “Ninoy” Aquino Jr. noong Agosto 21, 1983.

Before the end of the month na magso-shoot MoM ayon kay Cesar nang huli namin siyang nakausap sa birthday celebration ni tita Annabelle Rama kamakailan.

Nauna na ring sinabi ni Cesar na more or less ay kumita ng P1 billion ang MiM at wala pa raw umano ang kita roon sa streaming platforms.

Sa February umano ang target playdate ng Martyr or Murderer.

And speaking of Isko Moreno na kilala rin sa tawag na Yorme, maraming inggit sa dating pulitiko dahil ang gagan­da raw ng collection nito ng mga painting – contemporary and modern art.

Uso raw kasi ngayon sa mga pulitiko ang pangongolek­ta ng mga mamahaling painting.

Samantala, iba’t iba naman ang reaction ng netizens sa nasabing cast reveal ni Direk Darryl Yap pero majority ay bina-bash ang dating Yorme dahil ganun na raw ba siya ka-desperate na magkaroon ulit ng career.

Nauna nang napabalita na si Phillip Salvador ang napipisil na gumanap sa character ng napatay na ama ni Kris Aquino na si Ninoy Aquino nang barilin siya sa tarmac ng airport nang siya ay magbalik-bayan galing Amerika.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with