^

PSN Showbiz

Joshua, inaming inggit sa mga kaibigang may jowa

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Joshua, inaming inggit sa mga kaibigang may jowa
Joshua at mga kaibigan

Kamakailan ay magkakasamang nagbakasyon sa Japan ang magkakaibigan na sina Joshua Garcia, Zanjoe Marudo, Ria Atayde, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ayon kay Joshua ay nakaramdam siya ng inggit sa mga kaibigan noon dahil magkakapares ang mga ito. “Nandoon ‘yung inggit pero akin na lang ‘yon. May mga time na masarap sana may kayakap ka dito pero kasi kasama ko mga kaibigan ko. ‘Di kasi sila ‘yung parang PDA na nagyayakapan or kung ano sa kalsada. As one kasi kami so parang ‘di ko naramdaman na naiwan ako do’n,” nakangiting pahayag ni Joshua.

Sa ngayon ay wala raw talagang bagong kasintahan ang aktor. “Huwag na natin pag-usapan ‘yan. Basta ako, single ako. Nag-iisa ako, ‘di ba? Wala nga akong kasama sa Japan eh,” giit ng binata.

Kahit walang nakasamang kasintahan sa na­ging bakasyon ay ikinatuwa naman ni Joshua ang kanyang mga ginawa sa Japan. “May mga times na naglalakad ako mag-isa, na-enjoy ko ‘yon kasi nasa Japan ako. Ang dami kong nakikita, ang daming mga buildings. Nakakalakad kami sa kalsada,” kwento ng aktor.

Ronnie, naranasang maubusan ng pamasahe

Isa si Ronnie Liang sa mga aktor ng pelikulang Mamasapano na kalahok sa nalalapit na Metro Manila Film Festival 2022 ngayong Kapaskuhan. May mga pagkakataong naisasasakay umano ng binata ang ilang mga kasamahan sa pelikula upang makauwi sa kanya-kanyang bahay pagkatapos ng shooting.

Gusto lamang daw talagang tumulong ni Ronnie sa mga nagsisimu­la pa lamang sa showbiz industry. “I know the feeling na walang sariling sasakyan lalo na kapag malayo ang location. I remember no’ng nag-uumpisa lang ako at suki ng mga audition. Mayroong time na naubusan ako ng pamasahe. Pinababa ako ng bus at umuwi nang naglalakad from Bulacan to Pampanga. Mahirap ang buhay noon especially for newbies na nagsisimula pa lang at very limited ang budget. Pero alam ko sa sarili ko na magbubunga rin ang lahat ng pagod,” pagbabahagi ni Ronnie.

Ang binata pa raw umano ang nag-alok ng libreng-sakay sa mga kasamahang sa trabaho. Hindi lamang minsang ginawa ni Ronnie ang paghahatid sa mga bahay ng kapwa-artista sa naturang pelikula. Nakapaghatid na ang singer-actor sa Bulacan, Laguna at Quezon City. “Nag-offer ako sa kanila na sumabay na lang sa akin. I dropped them sa bahay nila. ‘Yung iba naman, kung saan malapit sa bahay nila. Fun times din for us para makapag-bond pa at makilala namin ang isa’t isa while I was driving. They were very happy. Masaya kami at na-enjoy namin ang biyahe,” kwento ng singer-acotr.

Samantala, masayang-masaya si Ronnie sa pagkakasama sa naturang MMFF entry. Isang malaking karangalan para sa binata na gumanap bilang si Tabdi na isang commander. “I’m grateful na maging bahagi ng pelikula na ito. As a real-life army reservist who served the country during pandemic and continues to serve, nagamit ko sa pelikula ang trainings ko katulad ng pagsabak sa ground, paggamit at paghawak ng sniper rifle,” pagtatapos niya.

(Reports from JCC)

vuukle comment

DANIEL PADILLA

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with