^

PSN Showbiz

Carla nawawala pa ang puso, ‘di pa kayang kausapin si Tom!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Carla nawawala pa ang puso, �di pa kayang kausapin si Tom!
Carla Abellana at Tom Rodriguez

Nawawala pa ang puso ni Carla Abellana.

Sa kasalukuyan daw ay hindi pa niya nakikita ang kanyang puso kaya kailangan pa niyang alagaan.

“Hindi ko alam kung nasaan ‘yung heart ko, nawawala,” natatawa niyang chika sa exclusive interview ni Nelson Canlas.

“Sa rami na ng pinag­daanan ng puso, dapat alagaan, parang ganu’n. So, inaalagaan ko, inaalagaan ko ‘yung sarili kong heart,” banggit niya.

Pero ibang Carla na raw siya sa kasalukuyan kesa nung mga nakaraan, ‘yung kasagsagan ng pinagdaanan nila ng dating asawang si Tom Rodriguez.

“Siyempre ‘yung Carla today, hindi naman same ng Carla a few months back or Carla last year, ‘yung mga ganun’g bagay. Of course, magkaiba ‘yun.

“Magkaibang time, magkaibang senaryo, situation, you know, state of self, ‘yung ganu’n, even the mind.”

Pag-amin pa ng aktres na hindi pa talaga nagsi-sink in sa kanya na divorced na sila ng aktor.

“Number one kasi, divorce doesn’t exist in the Philippines. Dahil ang foreign ng divorce and wala kasi sa atin, hindi pina-practice dito. Parang hindi pa siya fully nagsi-sink in,” dagdag niya pa sa Updated With Nelson Canlas na ipinalabas sa 24 Oras Weekend.

“Siguro, mas doon pa siya magsi-sink in ‘pag siguro ‘yung dito na naproseso or dito na naasikaso at na-recognize na siya ng Philippine port,” dagdag pa ng Kapuso actress.

Mabilis naman ang sagot niya nang tanungin kung in pain pa siya, “oo, definitely. I won’t even hesitate to answer and say yes, definitely. But ang pain kasi doesn’t disappear overnight. Gustuhin mo mang mawala na ‘yung pain, it’s in a way something you cannot control.

“Definitely, nandiyan pa siya. Ayoko namang sabihin na wala, kasi hindi rin totoo ‘yun, so definitely, nandiyan ‘yan. Matagal pa ‘yang prose­so,” sabi pa ni Carla na maganda na ang awra sa nasabing interview.

Nabanggit din niyang ‘di pa nagre-reach out sa kanya si Tom.

Last February raw niya huling nakita ang dating asawa.

At nang tanungin kung may natitira pa ba siyang ‘love’ sa aktor “oh my gosh, wow, hot seat ito!”

Sa ngayon daw ay ‘di niya masagot ng ‘yes or no.’

“Like I said, ‘yung love naman, hindi siya nagdi-disappear or parang hindi mo nababawasan nang kusa,” aniya pero kung tatawag daw ito sa kanya ay ‘di niya sasagutin.

“At this point, parang hindi ko kakayanin. If ever he calls, hindi ko kakayanin na kausapin siya.”

Kinasal sila nung Oct. 23, 2021 sa Tagaytay pero after New Year ay may mga issue na may problema sila.

Nauna nang nagkaroon ng ‘light interview’ kay Luis Manzano.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with