^

PSN Showbiz

Belle, abala rin sa kursong psychology

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Belle, abala rin sa kursong psychology
Belle
STAR/ File

Kahit abala sa kabi-kabilang proyekto ay ipinagpatuloy pa rin ni Belle Mariano ang pag-aaral ng kolehiyo.

Kumukuha ngayon ng kursong Psychology ang aktres. “Let’s see how I balance stuff. I think because it’s really something close to me, most especially in the field of my work which is acting. Kasi we play with our emotions,” pahayag ni Belle.

Binigyan naman ng payo ng katambal na si Donny Pangilinan ang aktres tungkol sa pag-aaral. Matatandaang nakapagtapos ang aktor ng kolehiyo kamakailan lamang. “In this specific time na you are stud­ying, ang daming nangyayari. Parang naiisip n’yo na hindi magiging worth it. Kasi hindi n’yo naman alam kung ano ang magiging aftereffect nito. Pero ako, when you look back, lahat ng sacrifices na ginawa n’yo. Sobrang worth it talaga. So keep pushing, kaya n’yo ‘yan. Just put your resources and time also on those who will push you to do better and will lead you towards those goals na gusto n’yong gawin,” mensahe ni Donny kay Belle.

“Papakinggan ko ‘yon, gagawin ko rin. Siyem­pre iba-balance ko rin lahat,” sagot naman ng aktres kay Donny.

Dimples, hindi na rin nakikita nang personal si Angel

Isa si Dimples Romana sa mga pinakamatalik na kaibigan ni Angel Locsin. Pansamantalang nagpahinga muna si Angel sa show business mula nang magpakasal ang aktres.

“Tayong mga tao, of course we have moments na ganyan eh. Sa pamilya ko parang I just want to focus on my family first, on my loved ones and I think Gel, super earned that kind of privacy. Kasi we’ve seen her and she has not stop working ever since. Ang dami nang nagtatanong sa akin. Ibigay na natin ang privacy na ‘yon, ibigay na natin ‘yon sa kanya,” makahulugang pagbabahagi ni Dimples.

Tumatayong Ninang si Angel sa pangalawang anak ni Dimples at Boyet Ahmee na si Alonzo. Ayon kay Dimples ay matagal-tagal na rin silang hindi nagkikita ng kaibigan at kumare. “Even at this point, I always give it to her as well. Pero malapit na ang birthday ko kaya, ano na, lagi kong nakikita si Gel (kapag birthday). Lalo na last time, I think I got to visit her a few months ago, I was in the area. My son goes to school around her area. So we had lunch together. So ayun, that was the last time I saw her. I think na-earn ni Gel ‘yung gano’ng klase ng luxury, ‘yung time and privacy with Neil, ” kwento ng aktres.

Hindi man nagkikita nang personal ay madalas pa ring nakakausap ni Dimples si Angel at ang asawang si Neil Arce sa telepono upang magkamustahan. “She always messages me naman and I always call her. Very random naman kaming magkaibigan. So ‘yung pagkakaibigan namin hindi parang pagkakaibigan na parang pang-artista, pang-normal na tao siya, nagtatawagan, nagpi-FaceTime,” pagtatapos ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

PSYCHOLOGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with