^

PSN Showbiz

Jeric, ‘di nawawalan ng pag-asa sa kanila ni Rabiya

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Jeric, �di nawawalan ng pag-asa sa kanila ni Rabiya
Rabiya

Ang laki ng in-improve ni Jeric Gonzales nang nakatsikahan namin para sa pelikulang Broken Blooms na magsu-showing na sa Dec. 14.

Parang naging confident siya sa sarili.

Natuwa nga siya kahapon dahil doon pa lang niya nakita ang Best actor awards na napanalunan niya para sa nasabing pelikula sa Harlem International Film Festival, Mokho International Film Festival at Tagore International Film Festival sa India, at sa Montelupo International Film Festival sa Italy.

Kaya ang laki ng pasasalamat niya sa BenTra Productions, kay direk Louie Ignacio at higit sa lahat sa GMA 7 na hindi nagpapabaya sa kanyang career.

Pagkatapos daw ng Broken Blooms, ibinigay sa kanya ng GMA 7 ang Start-Up Ph na talagang nagpatingkad sa kanyang acting career.

Pagkatapos daw nito, meron daw kasunod na magandang project na hindi pa raw muna niya puwedeng sabihin.

Kaya naka-focus muna talaga sa career at hindi muna priority ang lovelife.

Diretsahan naming tinanong kung nagkabalikan ba sila ni Rabiya Mateo, na sinabi naman niyang bukas siya sa posibilidad na manumbalik ang magandang relasyon nila ng beauty queen/actress. Pero ngayon ay hindi pa raw. “Sa ngayon po, we’re good friends. Sinusuportahan namin ang isa’t-isa. Hindi kami nagsasarado ng pinto. We’re both focused sa career. I’m sure, she had a good path din e. Nasa TikToClock pa siya ngayon,” safe na pahayag ni Jeric na pinapaiwas munang pag-usapan ang tungkol sa mga personal niyang isyu.

Piolo, sa pelikula ni Kris unang napanood

Nag-trending ang interview ni Korina Sanchez kay Karen Davila sa Korina Interviews sa Net 25, at ang dami pa ring views hanggang ngayon. Kaya na-curious ang mga mano­nood lalo na ang mga laging nagbubukas ng YouTube sa susunod na interbyuhin niya.

Dinayo pa ni Ko­ri­na ang Lio sa El Ni­do, Palawan para sak­sihan ang formal opening ng ba­gong resort ni Piolo Pas­cual na Isla Amara.

Kasama niya sa bagong business niyang ito si Kathryn Bernardo na karay-karay si Daniel Padilla sa opening nito nung nakaraang linggo.

Ang ganda ng interview ni Korina kay Piolo na sa halos isang oras na programa, nailatag niya ang buong buhay ni Piolo mula nung hindi pa artista hanggang sa pinasok na ang pagnenegosyo.

Doon lang namin nalamang isang talent caster pala ng foreign actors ang namayapa niyang ama.

Ang daddy raw niya ang unang nagpasok sa kanya sa pag-aartista nung hindi raw sumipot ang batang talent na bale anak ng pamilya ni Maureen Hultman.

Tinawagan daw siya ng Daddy niya na siya na ang gumanap sa pelikulang Vizconde Massacre ni Kris Aquino. ‘Yun daw ang unang salang niya bilang artista nung bata pa siya.

Inilahad ni Piolo ang mga trabaho niya nung nasa Amerika siya na naging clerk daw siya sa hospital at naging security guard sa Oscar’s Party. Kaya nakikita na raw niya roon ang mga sikat na Hollywood stars.

Nagpasalamat siya sa kanyang Mommy dahil pinayagan daw siyang bumalik ng bansa para balikan ang pag-aartista.

Awa ng Diyos, naging matagumpay siya at malaki ang pasasalamat niya sa suporta ng buong pamilya.

Inamin kasi ni Piolo na hindi naiwasan nung kasikatan niya ay lumaki ang ulo niya.

Aniya: “Admittedly yeah, na parang feeling ko I deserved this, na this is because of what I’m doing. And good thing, I understood that, I realized that early on because after all nung mga accolades, after all nung mga victories and successes, I felt empty.”

Mabuti at nandiyan ang pamilya niya na isang normal na Piolo Pascual ang trato sa kanya.

Abangan natin ang susunod na inter­byuhin ni Korina para sa kanyang Korina Interviews sa darating Linggo.

Ang saya ng tsikahan nila ni Small Laude na matagal na pala niyang kaibigan.

Sabi ni Korina: “Very personal ang kuwentuhan namin dahil matagal na kaming magkaibigan at para lang kayong nag-e-eavesdrop. Kilala ko na si Small bago pa man siya pumasok sa vlogging at alam ko ang pakiramdam niya na siya ay disem­powered. Maligaya ako at nahanap niya ang kanyang sarili sa mundo ng online!”

vuukle comment

JERIC GONZALES

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with