^

PSN Showbiz

Aktor, pinaliligaya ang mga beki noong baguhan pa

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

“Pleaser” pala ang aktor na ito sa mga kapwa niya lalaki na nakakatikim niya noong hindi pa siya bonggang kumikita at baguhan pa lang siya sa showbiz.

Sabi ng isang beki na nakachikahan namin, kahit hindi naman masasabing double blade o silahista si aktor, sinisigurado raw nito na mag-e-enjoy rin ang mga beki na nakakasama niya sa kama.

So, hindi lang si aktor ang nag-e-enjoy, dahil pinaliligaya rin niya nang husto ang mga beki, huh!

Pero noon nga ‘yon, noong hindi pa bongga ang kita niya bilang artista, pero ngayong malaki na rin ang talent fee niya at marami na siya showbiz projects, pumapatol pa rin kaya si aktor sa mga beki at “pleaser” pa rin kaya siya?

Well... ‘Yun na!

Richard, balik-Cebu

Si Richard Gutierrez sa flight kahapon ng tanghali pa-Cebu.

Balik-location taping si Richard sa tinaguriang Queen City of the South para sa The Iron Heart action-drama series ng ABS-CBN na magpa-pilot telecast on Monday (Nov. 14), 8:45 p.m. sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Jeepney TV, iWantTFC, TFC (The Filipino Channel), ABS-CBN Entertainment YouTube channel at iba pang platforms ng Kapamilya Network.

Noong Sunday, nag-family bonding na si Richard kasama ang parents niyang sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, pati ang mga kapatid na sina Ruffa, Raymond, Elvis, Rocky, misis na si Sarah Lahbati, mga anak na sina Zion at Kai, pati ang ibang mga pamangkin niya, sa bahay nila sa Quezon City.

Hanggang maaari, basta pare-pareho silang nasa Maynila, nagsasama-sama sila tuwing Sunday. Malamang, magba-bonding pa sila uli bago bumalik ng Los Angeles, California si Mond on Nov. 26 dahil matagal din itong mawawala.

Si Ruffa rin, mawawala rin ng ilang weeks dahil may three shows sa iba’t ibang lugar sa Hawaii kasama ang Maid in Malacañang co-stars niyang sina Cesar Montano at Diego Loyzaga at balak nila ng bunsong anak na si Venice na dalawin ang panganay niyang anak na si Lorin sa Los Angeles, California.

Nag-aaral sa Pepperdine University sa Malibu si Lorin. Hindi lang ako sure kung sabay-sabay silang uuwi ng ‘Pinas para rito mag-Christmas.

Anyway, si Richard naman, bukod sa taping, sa Saturday ay magi­ging busy siya sa presscon naman sa Cebu ng The Iron Heart. Siyempre, magdyu-join din ako roon.

Sobrang thankful nga pala si Richard sa entertainment press, bloggers, vloggers at kapwa mga artista sa pagpo-promote ng The Iron Heart.

Nice!

vuukle comment

AKTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with