^

PSN Showbiz

Sen. Imee Marcos, pinanumpa ang mga opisyal ng SPEED!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sen. Imee Marcos, pinanumpa ang mga opisyal ng SPEED!
Sen. Imee at SPEED
STAR/ File

Pinanumpa ni Sen. Imee Marcos sa tungkulin ang mga namumuno ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), sa pangunguna ng bagong pangulo na si Eugene Asis (entertainment editor, People’s Journal) na ginanap sa Kamuning Bakery Café noong Huwebes, Oktubre 14.

Kilala si Sen. Imee bilang masugid na tagasuporta ng local entertainment industry. Pinamunuan niya ang Metropop, isang songwri­ting competition na nag-produce ng maraming talentong Pilipino tulad ni Freddie Aguilar. Siya rin ang namuno sa Experimental Cinema of the Philippines na gumawa ng mga kinilalang pelikula tulad ng Oro, Plata, Mata at Himala sa ilalim ng Experimental Cinema of the Philippines. Nasa likod din si Sen. Imee ng controversial hit film na Maid in Malacañang na ipinalabas kamakailan sa Pilipinas at kasalukuyang umiikot sa buong mundo.

Para sa mga opisyal ng SPEEd, isang mala­king karangalan ang pagsuporta sa kanila ni Sen. Imee. Ang naturang grupo ng mga entertainment editor, na nagsimula bilang isang social club, ay nagbibigay rin ng mga parangal sa mga artista at manggagawa ng pelikulang Pilipino sa pamamagitan ng Eddys Awards, na inaasahang magaganap sa darating na Nobyembre.

Bilang pagtugon sa responsibilidad bilang mamamayang Pilipino, ang SPEEd ay nagbibigay rin ng scholarships at nagsasagawa ng reach-out programs sa ilang nangangailangang sektor.

Bukod kay Asis, ang SPEEd ay kinabibilangan din nina External Vice President, Tessa Mauricio Arriola (The Manila Times), Internal Vice President, Salve Asis (Pilipino Star Ngayon, PM), Treasurer, Dondon Sermino (Abante), Assistant Treasurer, Dinah Ventura (Daily Tribune), Auditor, Rohn Romulo (People’s Balita) Secretary, Maricris Nicasio (Hataw), Assistant Secretary, Gerardine Fe ‘Gie ‘Trillana (Malaya Business Insight), PROs, Nickie Wang (The Manila Standard) at Ervin Santiago (Inquirer Bandera), Board Members, Rito Asilo (Philippine Daily Inquirer), Neil Ramos (Tempo), Dindo Balares (Balita) at Jerry Olea (PEP), kasama ang mga tagapayo na sina Nestor Cuartero (Manila Bulletin) at Ian Farinas (People’s Tonight). President emeritus at isa sa founding members ng grupo ang namayapang mahusay na patnugot at manunulat na si Isah Red.

vuukle comment

SPEED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with