^

PSN Showbiz

Baron, pabor sa mandatory drug testing!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Baron, pabor sa mandatory drug testing!
Baron at Jamie.

Bilang dating gumagamit ng droga...…

Puspusan ang anti-drug campaign ni Baron Geisler kasama ang asawa niyang si Jamie Marie.

Sabi ni Jamie, kapag nag-iikot daw sila sa mga probin­sya para magsalita tungkol sa kanilang ikinakampanya laban sa droga, siya raw ang sa theory lang, pero mas mahalaga raw ang partisipasyon ni Baron dahil siya ang nagsasalita tungkol sa pinagdaanan niya nung nasangkot siya sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Sa tulong ng PNP, PDEA at ng LGU nagi­ging matagumpay raw ang kampanya nila na sinimulan nila sa Cebu, at ngayon ay nag-iikot na raw sila sa ilang bahagi ng Mindanao.

“We have to continue the war on drugs. Kasi, ano e, sayang ‘yung future ng kabataan. I’m doing this because nagkaroon ako ng spiritual awakening, nung nakulong ako before.

“So, bago pa man makulong ‘yung ibang tao, sana e maging example ‘yung buhay ko dati, at may makuha sila dun at matutunan para maiwasan nila ang paghihirap,” saad ni Baron nang makapanayam namin sa in-organize na mediacon ng Netflix para sa pelikula nilang Doll House na mag-strea­ming na ngayong araw.

Kaya isa si Baron sa umaayon na dapat na magkaroon na ng mandatory drug testing sa mga artista bago sila bigyan ng trabaho.

Naintindihan naman daw niya kung sa mga artista muna naka-focus ngayon dahil may nahuli kasing artista, kaya kaagad na naging malaking balita. “I’m good. Gusto ko ‘yan. Sana ma-implement po ‘yan, kasi kailangan. Sa ngayon po ‘yun po ‘yung isyu e. Artista po ang nahuli. So, dun na lang po muna tayo.

“Gradually, lahat naman ‘yan ida-drug test. So, ako bilang ‘yan po isa sa mga advocacy ko, ‘yung anti-drug campaign. Lalo na lumalakas na po sa Norte ang support namin from the government,” sabi pa ni Baron.

Ang laki ng pasasalamat ng aktor na sa kanya ipinagkatiwala itong Doll House na kinunan sa Netherlands.

Bale second wind nga raw niya ito, at kailangang ipakita niyang tuluy-tuloy na ang pagbabago niya.

Ang nakakatuwa pa, tuluy-tuloy ang communication ni Baron sa mga malalapit niyang kaibigan lalo na sa mga dati niyang kasamahan sa Tabing Ilog na sina John Lloyd Cruz, Paolo Contis at Kaye Abad.

SI Jodi Sta. Maria lang daw ang hindi pa niya nakakausap.

Madalas daw silang nagkukumustahan ni Paolo, at napag-usapan nga raw nilang sana magkaroon sila ng reunion movie. “Sabi niya (Paolo), huwag kang mag-alala, work tayo soon!

“And then nung nalaman niya na nandito ako, na may ginagawa na ako sa Netflix, sabi niya ‘Bro, gawa tayo. I wanna work with you. Pero dapat sa Europe? Kahit mababa ang talent fee, pumayag ka!’ ‘Sige, sige! Makatrabaho lang kita!’

“Kasi nga, Tabing Ilog pa kami huling nagkatrabaho e. I’m just really praying na makatrabaho ko sila, sina Jodi, John Lloyd, you know batang ‘90s. Reunion, “ saad pa ni Baron.

Pelikulang tungkol sa kabadingan, susubukang bumawi

Sa Oct. 12 ay muling magsu-showing ng bagong pelikula ang Viva Films sa mga sinehan.

Pagkatapos ng Maid in Malacañang, hindi na maganda ang box-office results ng kasunod nilang Expensive Candy at Always.

Inaasahan nilang makakabawi ngayon dito sa May-December-January, tampok sina Andrea del Rosario, Kych Minemoto at Gold Aceron.

Kakaibang kuwento na may halong BL dahil sa nabuong relasyon ng karakter nina Kych at Gold.

Since kabadingan nga ang usapan, muling natanong si Kych tungkol sa kanyang sexual preference, at hindi niya ito sinagot nung nakaraang mediacon.

Sabi naman kasi ni Kych, paulit-ulit na lang daw itong tinatanong sa kanya at ayaw naman niyang ganun at ganun pa rin ang isasagot.

“Kasi sa totoo lang po, ilang beses na po ako natanong ng tanong na ‘yan. I think this time, ayoko na siyang sagutin. Siguro pagod na ako,” pakli ni Kych nang makatsikahan namin sa DZRH nung nakaraang Miyerkules.

“Kasi hindi na siya importante kung bakla ka o tomboy ka. As long as wala kang tinatapakang tao, nirerespeto mo bawat taong nakakasalamuha mo, okay ka, ‘di ba? Sa ibang bansa, wala na rin sa kanila ‘yun. Sa atin na lang ‘yung konting pag-iintindi na lang, ‘di ba?,” dagdag niyang pahayag.

Kagaya ng ibang kabataan, open na rin si Kych sa ganung setup. Kaya tinanong na rin namin si Gold kung ganun na rin ba ang pananaw niya.

“Never ko pa siya na-experience. Pero if ever na dumating ‘yung time na ‘yan, ‘di natin masasabi. Kasi lahat ng tao 50 percent may chance ‘yan,” pakli ng aktor.

Puwede kaya siyang ma-in love o pumasok sa isang relasyon kagaya ni Kych?

“Gaya nga po ng nasabi ni Gold, posible e. Kaibigan ko po si Gold, matagal na kaming nagkakasama. Nag-overnight po ako sa kanya-kanyang bahay namin. Pumupunta po siya dun sa bahay namin. Nag-hang out kami. Kilala ko na po si Gold. Napakabait, napakaalaga. Kahit sino naman siguro na tao na bibigyan ng pagpapahalaga, siguro posible. Hindi mo rin masabi e,” napangi­ting sagot sa amin ni Kych.

Ganun na ang karamihan sa mga bagets ngayon. Kaya tanggap na ng karamihan at hindi na lang daw kailangang i-judge pa sabi naman ni Andrea del Rosario.

vuukle comment

BARON GEISLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with