^

PSN Showbiz

Mga papremyo ni Sen. Bong, Nakakalula

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Mga papremyo ni Sen. Bong, Nakakalula
Bong

Isang bagong kotse, 10 motorsiklo, laptop cash prizes na P100,000, P50,000, P20,000 at P10,000 sa mga mapipili at hindi bibitiw sa manonood ang pasabog na premyo ni Senator Bong Revilla, Jr. sa bonggang 56th birthday giveaway sa Sept. 25 na Alyas Pogi Birthday Giveaway, 6 p.m.

Mapapanood ng selebrasyon sa www.facebook.com/bongrevillajr.ph sa mismong araw ng kaarawan ng senador, Sept. 25.

Makakasama ni Sen. Bong ang asa­wang si Lani Revilla at ilan sa pamilya upang magdagdag ng kasiyahan.

Pasasalamat sa lahat ng biyaya, mala­kas na pangangatawan sa kanya at sa lahat ng mahal sa buhay ang handog na ito ni Senator Bong.

Bukod sa malalaking premyo at cash prize, 500 katao ang puwedeng manalo ng tig-isang libo.

Sa totoo lang, nakakalula ang handog na ito ni Senador Bong at payo niya sa gustong manalo, tumutok sa programa, sumali sa mga palarong madadali lang at may tsansa kayong manalo ng kotse, motorsiklo at marami pang iba!

Happy, happy birthday, Senator Bong Revilla, Jr.! Mabuhay ka!

vuukle comment

BONG REVILLA

JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with