^

PSN Showbiz

Jane at Janella, ginagawan ng queer loveteam!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Jane at Janella, ginagawan ng queer loveteam!
Jane at Janella.

Sina Jane de Leon at Janella Salvador ang ginagawan ng ‘love angle’ ng fans ng Darna at laging nagti-trending ang #Darlentina.

Kaya nasasabik ang fans sa ‘queerbait’ at tanungan kung saan aabot ang Darlentina.

Sila nga ang ni-link ng netizens at binibigyan ng mea­ning ang mga eksena nilang magkasama.

Anyway, patuloy ang pagsugpo ni Darna (Jane De Leon) sa mga Extra na naghahasik ng kasamaan sa Nueva Esperanza sa pagdating ng bagong kontrabida sa katauhan ng Clone Man (Neil Coleta) sa hit primetime series na Mars Ravelo’s Darna.

Ang Clone Man na may natatanging abilidad na gumawa ng maraming kopya ng sarili ang bagong kinakaharap ni Darna pagkatapos mamatay ang Killer Ghost (Christian Bables) sa kamay ng pinuno ng Extra Task Force na si Brian Robles (Joshua Garcia).

Napapanood na rin si Kim Rodriquez sa pinaka-pinag-uusapang serye bilang ang shapeshifter na si Xandra na kanang-kamay ni Heneral Borgo na nagnanais malaman ang tunay na katauhan ng bagong protector ng mahiwagang bato para makuha ito sa kanya at tuluyang magamit para pamunuan ang planetang Marte.

Maaring abangan ang mga kaganapan sa Darna, Lunes hanggang Biyernes, 8 pm sa Kapa­milya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, A2Z, at TV5.

vuukle comment

JANE DE LEON

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with