^

PSN Showbiz

Khimo, Idol Ph 2 grand winner; Moira nag-bloom nang pumayat

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Khimo, Idol Ph 2 grand winner; Moira nag-bloom nang pumayat
Khimo.

Nagte-trending pa rin kahapon ang tinanghal na Idol Philippines Season 2 grand winner na si Khimo Gumatay matapos makakuha ng total combined judges’ scores at public votes na 89% sa The Final Showdown ng talent reality competition nitong Linggo (Setyembre 18).

Sa totoo lang, nabighani niya ang viewers at judges na sina Gary Valenciano, Regine Velasquez, Moira dela Torre, at Chito Miranda at nau­ngusan sina Ryssi Avila na nakakuha ng 49.38% at Kice na may 45.77%.

Tila naging advance birthday gift ang kanyang pagkapanalo dahil sa Setyembre 24 (Sabado) ay ipinagdiriwang na niya ang ika-23 taong kaarawan.

Bilang Idol PH grand winner, nanalo siya ng P1 million cash, isang brand new house and lot mula sa Camella na nagkakahalagang P2 million, isang recording contract with ABS-CBN Music, at isang full franchise package mula sa Dermacare Face, Body, and Laser Center na nagkakahalagang P3 million.

Inawit niya sa unang round ang Bagong Simula para balikan ang mga pinagdaanan niya sa kompetisyon at sa kanyang buhay at ipinaramdam naman niyang dapat siyang manalo sa kanyang pagkanta ng original song na ginawa ng ASAP singer na si Jeremy Glinoga sa kanya na My Time.

Bukod naman sa tagisan ng bosesan ng Top 3, nagbigay-aliw ang performance ng Unkabogable at Phenomenal star na si Vice Ganda na Pearly Shells sa live audience at netizens. Nagbigay din siya ng mensahe sa grand winner ng kompetisyon pati na sa iba pang hopefuls. “Sa mananalo pati na sa lahat ng mga sumali nagsimula naman na ang inyong singing career, tapangan n’yo. Kasi maraming talented pero hindi lahat matapang kaya bumigay agad. Sa napakaraming haharapin ninyo, hindi easy ang showbiz. Hindi ito easy money. Ang dami mong isasakripisyo dito kaya tapangan n’yo,” pagbabahagi niya.

Bukod sa #IdolPH2TheFinalShowdown at #IdolPH2GrandWinner, pinag-usapan din si Moira na binagayan ng kanyang pagpayat. Marami ring nakapansin na nag-bloom ito matapos ang paghihiwalay nila ng mister na si Jason Hernandez.

vuukle comment

IDOL PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with