^

PSN Showbiz

Maedad na aktor na noon pa kinukwestyon ang sekswalidad, nangangarap pang magkapamilya

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Nangangarap pa raw ang isang magaling na aktor ng pamilya kahit na nga may edad na siya.

Pero sa buong career ng aktor, walang sinumang babae, showbiz man o hindi, ang na-link sa kanya.

Kaya naman ‘yung mga Maritess sa showbiz, nagdududa na sa sexual preference ng aktor kahit na nga ang madalas na role ay mabagsik na lalaki.

Natatandaan naming may tsismis na lumabas noon tungkol sa sexual preference ng aktor. Eh palibhasa, nirerespeto kaya walang nangahas na pakalatin ang tsmis o ‘di kaya ay matanong siya.

Eh alam naman ninyo biruan na madalas sabihin na kaya walang asawa ang lalaking may edad na, hindi babae ang gusto, huh!

Respetuhin na lang kung ano ang sexual preference ng aktor.

Sanya, may gustong tulungan

Sino kaya ang gustong tulungan ni Sanya Lopez at todo emote siya ng TV plug sa gues­ting nila ni Kakai Bautista sa The Wall Philippines na airing bukas.

Ang alam namin, suwerte ni Sanya dahil nung kasagsagan ng pandemic, bidang-bida siya sa GMA dahil sa series niyang First Yaya na may sequel pang First Lady, huh!

Saka nakapagpagawa na rin siya ng bahay para sa kanyang mga magulang. Kapwa nga sila masuwerte sa GMA ng kapatid niyang si Jak Roberto. Hindi sila nawawalan ng projects.

vuukle comment

AKTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with