^

PSN Showbiz

Dimples, naniniwala sa mabilis na pagmamahal pero matagal ang epekto

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Dimples, naniniwala sa mabilis na pagmamahal pero matagal ang epekto
Dimples at Miko.

Walong iba’t ibang kwento ng pag-ibig na kakagat at mag-iiwan na marka sa manonood sa Love Bites ng ABS-CBN Entertainment para sa 41 milyong subscri­bers nito sa YouTube.

“Naiisip ko na meron kinds of love gaya nitong short stories na ito na it gets stuck on you and it just grows on you. Meron mga kilig at pagmamahal na ambilis billis lang dumaan sa iyo pero it may have lasting effect,” paliwanag ni Dimples Romana tungkol sa konsepto ng show na ito.

Kabilang siya sa episode Letters for Leah kasama sina Miko Raval, Lance Carr, at Angelica Lao.

Labis naman na nagpapasalamat sina Angela Trajano, Sky Quizon, Nico Antonio, Concon Felix, at Genesis Redido na mabigyan sila na oportunidad bigyang buhay ang ilang kwento ng mga taga-LGBTQIA na mapapanood sa bagong anthology.

Ani ni Sky, “Kami nina Kuya Nico, at Genesis, we are trying to normalize it. Yes, BL is a genre. Sa tulong RCD Narratives, we try to normalize it na it’s just love. It’s not based on gender. Kung ano ang nae-experience ng straight people, na-experience ng lahat.”

Para naman kay Genesis, gusto niya maputol ang diskriminasyon sa mga LGBTQIA+ sa pagpayag niyang gumanap sa mga kwentong ito.

“Sobrang proud ako na gumaganap ako ng boys love dahil natutulu­ngan ‘yung kapatid ko na si Angela (Trajano). Siya talaga ‘yung rason kung bakit ko tinatanggap ito. Ito ‘yung bagay na naireregalo ko sa kanya para ma-normalize ito o mawala ‘yung diskriminasyon,” dagdag niya.

Bukod sa mga kwento nina Sky, Nico, at Genesis na pinamagatang He Must Choose, Angela at Kristof Garcia na Hearts of Pride, at Khyza Villalino at Concon Felix na First Love, Last Love, maaari ring abangan ang first offering ng Love Bites tampok sina Vivoree Esclito at Anthony Jennings na Lost and Found.

Tungkol ito sa nagdaang past relationships ng hopeless romantic na si Aina (Vivoree).

Mapapanood naman sa susunod pang mga Biyernes sina Karina Bautista at Gello Marquez sa One Post Away, Andi Abaya at Kobie Brown sa Miss Astrologer, at JC Alcantara at Shanaia Gomez sa TOTGA.

Ang Love Bites ay idinirehe nina Kevin Alambra at Dado C. Lumibao.

vuukle comment

DIMPLES ROMANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with