^

PSN Showbiz

May pinakitang singsing... Julia, close na sa nanay ni Gerald?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
May pinakitang singsing... Julia, close na sa nanay ni Gerald?!
Gerald, Julia at Mommy Evangeline.

A Family Affair ang kumalat na picture nina Gerald Anderson and Julia ­Barretto kasama ang mommy ng actor na ang sabi ay nag-celebrate ng birthday.

Pero more than the closeness nila Julia at ina ng karelasyon, ay ang singsing na suot na Julia ang napansin ng iba.

Tanungan ang netizens kung ito na ba ang engagement ring nila?

Laging nadadawit noon ang nanay ng actor sa mga ex ni Gerald dahil sa mga usap-usapan na kailangan diumano ng approval nito sa mga nakakarelasyon ni Gerald.

Speaking of Ge­rald, nagka-isa na sila Paco (Gerald), Seb (Jake Ejercito), Drew (Jameson Blake), at Dave (Sam Milby) para paniwalain si Cherry (Ivana Alawi) na wala itong sulat na nabasa tungkol sa ginawang pagpatay ni Freddie (Edu Manzano) sa nanay nito.

Kahit nakokonsensya sa gagawin, mas minabuti ng apat na itago ang katotohanan kay Cherry para hindi ito mawala sa kanila at hindi mawala ang kanilang reputasyon at kayamanan.

Nagiging kapana-panabik na kwento ng A Family Affair tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:20 p.m. sa Kapamilya Channel, TV5 at iba pang platforms.

vuukle comment

GERALD ANDERSON

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with